Vincent Lim POV
From: Daniella ♥
Vincent, umuwi ka na. Hindi ako makakasabay sau today. May importante akong pupuntahan. Ksama ko nman c Bianca, don't worry.
Ano kaya yun? Kanina ko pa to binabasa pero hanggang ngayon nalilito pa rin ako. Sinabi niya kasi na sabay daw kami, excited pa nga siya nung sinabi niya yun eh. Tapos ngayon biglang magtetext ng ganito? May nangyari kayang hindi maganda?
Aish! Ano ba itong naiisip ko? Napaparanoid na ako eh. Makauwi na nga lang, magtetext naman yun mamaya kung hindi yun busy eh.
Naglalakad na ako sa hallway para umuwi nang makasalubong ko si Bianca at Kate.
Teka, bakit nandito ang dalawang ito? Sabi ni Daniella magkasama sila ni Bianca.
"O Vincent, uwi ka na?" Tanong sakin ni Bianca. Mukhang wala siyang alam eh.
"Ah...oo. Um... Bianca, magkasama ba kayo ni Daniella?" Ayokong paghinalaan siya pero di ko mapigilan eh.
"Ha? Hindi. Umalis yun kanina after ng lunch break. Nagmamadali eh."
So, kanina pa pala siya umalis? Biglang sumama ang kutob ko. Paano nalang pala kung may nagtext sa kanya? Paano kung nakipagkita si Katrinne sa kanya? Naku! Wag naman po sana.
"Ah ganun ba? Sige salamat. Mauna na ako." Pagpapaalam ko sa kanilang dalawa.
Hindi tuloy ako mapakali. Sinubukan ko siyang tawagan pero ayaw namang sumagot. Ring lang ng ring ang cellphone niya. Tinext ko nalang siya.
To: Daniella ♥
Daniella sagutin mo tawag ko. Nkita ko c Bianca sbi knina ka pa raw umalis. San ka ba? Nag-aalala na ako. Pls reply.
Hanggang sa makalabas na ako ng school namin ay wala pa rin akong natatanggap na reply galing sa kanya.
Daniella, ano bang nangyayari?
Nasa labas lang ako ng gate nakatayo at hinahagilap siya. Baka sakaling mapadaan siya dito o kaya papasok sa loob o lalabas galing sa loob. Pero sabi nga ni Bianca diba kanina pa siyang umalis?
Ilang minuto na akong nakatayo, nagdidilim na rin pero wala pa akong nakikitang anino niya. Nakita ko si Terence na papasok ng school na naka-jersey lang at may dalang bola. Practice siguro nila ngayon. Matanong nga ito.
"Terence." Tawag ko sa kanya at lumingon naman siya. "Si Daniella ba nakita mo?"
Lumapit siya sakin habang pinapaikot sa mga kamay niya ang bola, "Ha? Hindi. Absent ako kanina kasi may pinuntahan akong kasal ng tiyahin ko sa Antipolo. Bakit?"
Ah absent pala. Wala akong mapapala dito. Ayoko rin namang sabihin sa kanya ang tungkol sa problema ko.
"Ah wala, hindi ko kasi siya mahanap."
Bahagya siyang tumawa at saka ako hinawakan sa balikat, "Wag ka ngang masyadong possessive. Baka may pinuntahan lang. Sige una na ako, may practice pa kami."
Tinapik lang niya ang balikat ko at umalis na rin siya. Haay! Siguro ay uuwi nalang ako. Kailangan ko pang mag-prepare para sa monthsary namin bukas.
Daniella Villarante POV
Nagising ako dahil sa sobrang ginaw. Naitodo ko na naman ba ang aircon ng kwarto ko?
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)