Nagkaroon kami ng victory party para kay Joshua kaya nandito kami ngayon sa gymnasium at nagsasaya.
Lahat ng pumunta sa tournament kanina na taga Prime High ay imbitado sa victory party na ito and that includes him. Pero hindi ko siya nakikita ngayon. Saan kaya siya? Siguro kasama niya yung bagong babae niya. E di magsama sila. Bwisit!
Teka nga, kanina pa ako nabibwisit ha. Ano bang pakialam ko sa kanya? Eh ano ngayon kung may kasama siyang babae? Hindi naman niya ako girlfriend diba? Isa pa, hindi niya rin ako nililigawan. Ni hindi nga siya nag confess sakin eh. So anong inaarte ko? Aish! Nakakagago mag-isip.
Pupuntahan ko na sana sina Bianca nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya agad kong kinuha ito mula sa bulsa ko at tiningnan kung sinong nagtext.
Congrats. Kahit di ikaw ang panalo, champion ka pa rin para sakin :)
Text niya yan. At may smile emoticon pa. Huh! Sa tingin ba niya matutuwa ako kasi nag congratulate siya sakin? Hell no. Manigas siya!
Kanina pa ako tingin nang tingin sa phone ko pero hindi man lang nagtext ulit. Ano gusto niya, ako pa magbaba ng pride ko para sa kanya? Grabe siya ha.
Kung akala niya okay lang sakin yung pambabalewala niya sakin ng dalawang linggo, sakin hindi. Hinding-hindi magiging okay yun. Kapal naman niya kung babalewalain niya lang ang beauty ko samantalang ang daming gustong kumausap sakin.
"Problema mo?" Tanong sakin ni Junice nang makalapit siya sakin na may hawak na cake.
Bilib din ako sa katawan ng babaeng ito eh. Kahit kain nang kain, maintain parin ang kasexy-han niya tapos ang laki pa ng future niya hahaha.
"Wala." Matipid kong sagot.
Magsasalita sana ulit ako pero hinablot naman ni Bianca ang phone ko tsaka binasa kung anumang meron dun. At syempre wala na akong magawa kasi ganyan naman sila eh. Nang-iinvade ng privacy. Kahit nga drawer ng mga panty ko sa kwarto ko pinapakialaman.
"Sus. Nagtext na nga tapos nakabusangot ka parin? Anong gusto mo magtext ulit siya sayo para suyuin ka? Ito ang katapat mo. Sige lang, pagpatuloy mo lang yang kaartehan mo. Nakakabusog yang pride chicken." Litanya sakin ni Bianca habang inaabot sakin yung phone ko.
Ano bang gusto niyang gawin ko? Magreply agad ako tapos sasabihing okay lang kahit hindi naman talaga okay? Eh ayoko nga noh. Isa pa, baka sabihin niyang okay lang sakin na balewalain niya ako ng dalawang linggo at kakausapin ulit dahil patay na patay ako sa kanya kahit hindi naman. Kaya I'll have to remain like this.
Ang nakakainis lang kasi, bakit pa siya may kasamang babae kanina? Tapos bakit ngayon lang siya nagparamdam? Ugh! Bwisit.
"Bahala ka diyan. Kung ayaw mong maging maayos yang problema niyo, sige lang, just stay put. Wag kang aalis ngayon ha, diyan ka lang. Tapos, pag nawala na siya ng tuluyan, wag mo kaming dramahan." Dagdag pa ni Junice.
Nawala siya ng tuluyan? Does she mean, hindi na kami maging magkaibigan ni Vincent? Hindi na kami mag-uusap at magkikita sa labas aside sa school? Ibig sabihin nun, hindi na siya magpapakita sakin at tuluyan na akong iwasan samantalang ako aasa na baka bukas pag gising ko ay kakausapin na niya ako ulit? Ganun ba yun?
Parang ayoko ata isipin ang thought na yun. Parang naiinis ako na ewan. Kaya hindi na ako naghintay ng sasabihin nila at agad na lumabas ng gym saka nag-dial ng number sa phone.
"Hello nasan ka ngayon?"
"Pa-pauwi na."
Ang tipid naman ng sagot nito. Teka, galing ba siyang school? Kung galing nga siya dun, tama lang itong tinatahak kong direksyon. Baka maabutan ko pa siya.
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...