Terence Rodrigo POV
Kinakabahan akong nagtungo sa rooftop sa building B. Nagtext kasi si Ella sakin kaninang madaling araw na gusto niya akong makausap. Hindi ko alam kung bakit. Balita ko rin nakipaghiwalay na raw siya kay Vincent–in public.
Not that it concerned me pero naku-curious ako sa dahilan kung bakit niya hiniwalayan ang nerd na yun.
Nasa harap na ako ng pinto ng rooftop. Bubuksan ko lang ito at kakausapin niya ako. Yun lang naman diba? Pero bakit ganito? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan na rin ako.
"Hoo!" Bumuga ako ng malalim na hangin bago ko pinihit ang seradura ng pinto.
Bumungad sakin ang malakas na hangin at natanaw ko kaagad si Ella sa dulo na nakatalikod. Wait... Magpapakamatay ba siya? Ang lapit niya kasi doon.
Patakbo ko siyang nilapitan para sana pigilan siya sa masamang balak niya nang bigla siyang nagsalita nang hindi ako nililingon.
"Walang hiya ka!" Mabigat ang pagkakasabi niya nun at nararamdaman kong galit na galit siya. Alam ko ring umiiyak siya dahil garalgal ang boses niya.
"Ella, h-hindi kita maintindihan." Talaga namang hindi ko siya naintindihan kung bakit niya ako pinagsalitaan ng ganun eh.
Humarap siya sakin at ganun nalang ang pagkagulat ko dahil ang pula na ng mga mata niya at namumugto na rin. Kanina pa ba siyang umiiyak? Kung nasasaktan siya sa hiwalayan nila ni Vincent, bakit pa siya nakipaghiwalay?
"Ella." Malungkot kong usal pero isang malutong na sampal ang natamo ko.
Bakit? Bakit niya ako sinampal? Anong nagawa ko't sinampal niya ako? Oo nasaktan ako sa sampal niya pero hindi ko yun ininda dahil mas nasasaktan ang puso ko. Nasasaktan ako dahil ramdam na ramdam ko ang galit at lungkot niya. Pero hindi ko naman alam ang dahilan.
"Masaya ka na ba, Terence? Masaya ka na ba't nasira mo kami ni Vincent? Ha?! MASAYA KA NA BA?!!"
Napatigagal ako sa tinuran niya. Ano ba itong sinasabi niya? Hindi maabsorb ng utak ko. Sinira? Sila ni Vincent ang sinira ko? At bakit ko naman gagawin iyon? Oh please! For Chrissake wala na akong maintindiha.
"Crack the code, Ella." Naguguluhang tugon ko. Pero hindi niya ako sinagot, sa halip ay may hinugot siya sa kanyang bulsa at padaskol niya itong idinikit sa dibdib ko. Muntik pa akong ma-out of balance.
Kinuha ko ang binigay niya at ganun nalang ang pagkagulat ko nang makita ang litratong yun. It's a photo of a man and a woman that looks like... Um... You know, just had sex. The man took this selfie pero naka-blur ang mukha niya kaya hindi ko siya makilala. And the girl... The girl is Ella at mahimbing na natutulog sa tabi ng lalaki... Sa kama.
"Sinira mo na ako, Terence. Sinira mo ang buhay ko. At ngayon, kalat na kalat na yan sa buong campus. Jesus! Why did I believe you? Ikaw at ang mga kasinungalingan mo!" Dinuro niya pa ako. Hindi ko siya magawang pakalmahin dahil sobrang galit na siya and this is the first time I see her in fury.
"You're a liar! A douchebag! A crap jerk! At ngayong nakuha mo na sakin ang bagay na yun, masaya ka na ba? God! I didn't see it coming. Naniwala ako sayo na hindi yun ang totoong dahilan kung bakit ka nakipag-break sakin dati. Pero tangina lang, Terence! You raped me! You goddamn raped me!!"
"Daniella!" Napasigaw na ako. Oo alam kong galit siya. Oo mahal ko siya. But her words are too much. It's like a knife that cuts me over and over.
She's accusing my that I raped her? What the hell? Kahit kailan ay hinding-hindi ko magagawa sa kanya yun. Kahit magtabi pa kami sa iisang kama buong magdamag, kahit na may sumakit sakin ay hinding-hindi ko siya gagalawin dahil nirerespeto ko siya.
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Fiksi RemajaSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)