Chapter 10

867 16 11
                                        

"Ikaw yung gusto ko."

"Ikaw yung gusto ko."

Gosh! Bakit ba hindi mawala-wala sa isip ko yung sinabi ng weird guy na yun? Narinig ko yung bulong niya na yun pero nagpatay malisya nalang ako dahil ayokong ma-awkward.

Sanay naman ako na merong nagko-confess sakin at sinasabing gusto nila ako pero iba yung sa kanya eh. Parang mali. Bakit kaya? Kasi hindi ko siya type? Baka. Siguro. Aish! Di ko alam.

Kasalukuyan silang naliligo sa beach habang ako naman ay naiwan dito sa cottage at lumalamon na naman.

Habang kumakain ay lumapit si Biaca sakin at kumuha ng hotdog in stick.

"Nagsi-stress eating ka ba?" tanong niya sakin habang kumakagat sa hotdog na kinuha niya.

Ang dami ko na kasing nakain simula pa kaninang umaga. Isa pa, hindi pa nababasa ng tubig ang katawan ko, kahit kaunting pisik lang.

"Parang ganun. Tsaka ayoko pa maligo, masisira ang skin ko."

Nagkibit balikat lang siya at kumuha naman ng coke sabay inabot sakin.

"Thank you. Biang, may tanong ako. May nag confess sakin na gusto niya ako. Actually hindi siya confession, I just overheard it kasi binulong niya. You know naman diba na sanay na akong may nagko-confess sakin at minsan nagti-thank you lang ako then makakalimutan na. Pero ang isang 'to, iba eh. Hindi ko makalimutan."

She just looked at me querying. Dito talaga ako magpapa-advice kay Bianca dahil mas matured siya mag-isip at kahit wala siyang masyadong experience sa mga ganyang-ganyan, she still has knowledge about such stuff.

Isa pa, wala namang masama magtanong. Hindi rin naman niya alam kung sino itong tinutukoy ko since hindi din naman niya alam ang first encounter namin ni Vincent.

"Si Vincent ba yan? Tsaka, anong naramdaman mo nung sinabi niya yun? Does your heart skip a beat or something?"

Anong skip a beat sinasabi niya? May ganun ba? Isa pa, hindi ko alam kung anong pakiramdam ng pagkakaroon ng pagskip ng heart beat. Pagsikip ng puso, oo.

Dati nung kami pa ni Terence, nararamdaman ko lang ang kilig at pagbilis ng tibok ng puso ko. At hindi ko alam kung anong pinagkaiba nun sa sinasabi niyang 'skip a beat'.

Ano ba yun? Hihinto ng limang segundo ang pagtibok ng puso mo at biglang magre-resume at bumibilis? Ganun ba yun? Ah ewan.

"Hindi noh, Vincent ka dyan. Wala akong naramdamang ganun. Isa pa, nabigla lang ako sa sinabi niya kasi di ko expect yun. Then after niyang sinabi yun, hindi ko na siya makalimutan."

"Alin ang di mo makalimutan? Ang sinabi o ang nagsabi?"

"Both."

Tumango-tango siya at kumuha ulit ng hotdog saka kinagat yun. Minsan talaga pag pinapatagal ni Bianca ang pagsasalita niya ay kinakabahan ako.

Para kasi siyang future. Di mo malalaman kung anong mangyayari bukas, tulad niya, di mo malalaman kung anong iniisip niya. Di mo rin malalaman kung anong sasabihin niya.

Matagal na kaming magkakilala ni Bianca. Since grade 3, mag best friends na kami. Oo kilala ko na siya, but there are times na hindi ko siya mabasa. Especially kung nagiging beast mode siya o kaya naman ay may kalokohang gagawin.

"You possibly have a crush on that guy, Ella. I'm 100% sure about that. Crush lang naman."

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Crush? Ako? Magkaka-crush kay Vincent? Hindi April fools ngayon, tapos na yun.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon