-Vincent Lim POV-
***Kinabukasan***
Ang sarap ng gising ko. Sobrang saya ko dahil kay Daniella.
Sabay kasi kaming umuwi kahapon. Alam ko namang nakatira siya sa St. Cath Village pero di ko inaasahang makakasabay ko siya pag-uwi.
Di ko rin inaasahang makikipagsabay siya sakin.
Kahit sobrang nakakahiya yung nangyari kahapon, hindi ako tumanggi.
Pinagtanggol niya kasi ako kahapon sa pambu-bully nila Christopher.
Parang baliktad ata noh? Diba dapat babae ang nililigtas at hindi lalaki?
Imbis na knight in shining armor, naging knight in shining skirt.
Naiilang ako sa kanya kahapon kasi bukod sa pagkamahiyain ko ay hindi ako masyadong nagsasalita pag nahihiya ako.
Sobrang daldal niya nga eh, di ko akalain na ganun siya kadaldal. Pero gustung-gusto ko yung presence niya.
Nakakagaan ng loob. Tapos nahawakan ko pa yung kamay niya kahapon.
Nagiging bakla na naman ako magsalita pero kinilig ako kahapon.
Ayos lang sakin kahit hindi niya ako gusto, at least kaibigan ko na siya.
Isang nerd at boring na gaya ko ay naging kaibigan ang famous ng Prime High.
Ano kayo ngayon? Hahaha
Nagdiretso na ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagbihis ng uniform namin.
Bumaba na rin ako para mag breakfast. Naabutan ko sila mama, papa at si kuya sa dining table.
"Good morning po." Bati ko sa kanila na may ngiti sa mukha.
Iba talaga ang nagagawa ng isang Daniella Villarante sa buhay ko.
"Ang ganda ng gising natin anak."
Ngumiti lang ako sa sinabi ni mama at naupo na at nagsimulang kumain. Muntik pa akong mabilaukan sa sinabi ni kuya.
"In love yan ma."
Napatingin naman sakin sina mama at papa. Si kuya ba oh, binubuking ako kina mama eh.
"Is that true, Vincent? Alam mo, wag kang mahiya sa amin. You can bring her here if you want para naman makilala namin siya."
Si mama talaga kahit kailan. Lagot ka sakin mamaya kuya.
"Wala naman po yun ma." pagtanggi ko nalang. I'm sure kukulitin na naman ako ni mama.
"Anong wala? Nakita ko ngang may picture ka nung babae dun sa kwarto mo eh. At heto yung hokage na malupet, yung mga pictures nung babae puro stolen. Eh stalker ata yan eh."
Pwede ko na bang tahiin yung bibig ng kuya ko? Ang ingay niya, nahiya naman yung mga babaeng bungangera sa kanya.
Pero paano niya nalaman yung mga yun? Ibig sabihin pumasok siya sa kwarto ko nang walang paalam? Para talagang babae, masyadong nakikialam. Palibhasa kasi hindi pa niya naranasang magka-crush.
"Stalker? Vincent, kung gusto mo siya, lapitan mo siya. Wala ka bang tiwala sa sarili mo?"
Isa pa 'to si mama. Wag na po kayong mag-alala dahil kaibigan ko na po siya. Unti-unti na po akong napapalapit sa kanya.
"Psh! Lapitan? Wag mo nang i-encourage yan ma. Makita pa lang siya nung babae I'm sure pagtatawanan pa yan. Tol, bat di mo ko gayahin. Pahihiramin kita ng mga damit tsaka yang glasses mo tanggalin mo nga yan. At yang posture mo gawin mong cool at charismatic. Yung talagang... Chick magnet ang dating. Tulad ko. Oh gwapo ko noh sabi nga nila pang DiCarpio ang dating ko."
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Novela JuvenilSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)