Chapter 26

666 15 5
                                        

-Daniella Villarante POV-

Sabado. First date namin ni Vincent ngayon at dapat maging memorable 'to. 6 days na akong nanliligaw sa kanya.

Anong ginagawa ng isang Daniella Villarante pag nanunuyo? Binibigyan ko siya ng special treatment syempre. Maaga akong gigising para ipaghanda siya ng lunch box. Sipag ko noh? Tapos pag nauna kaming idismiss ay maghihintay ako sa labas ng classroom niya at sabay kaming uuwi. Pero bago umuwi ay papanoorin pa namin ang sunset.

At last friday lang ay inaya ko siyang lumabas. May naririnig akong rumor na hindi ko na daw nirerespeto ang pagkababae ko dahil ako pa daw ang lumalapit sa lalaki. At alam ko naman kung saan galing yun. Walang ibang inggitera sa buhay ko kundi si Farrah lang at yung mga alipores niyang makakapal din ang makeup gaya nung sa kanya.

Pero ano bang pakialam nila? Hindi ko naman binibigay yung katawan at kaluluwa ko kay Vincent. Hindi rin ako desperada. Sadyang ganito lang talaga ang nararamdaman ko at hindi ko kayang pigilan. Isa pa, kung ako ang maghihintay na manligaw siya sakin, baka mabungal na ako't kumulubot na balat ko ay hindi parin gagawa ng first move si Vincent.

Sobraaaang mahiyain. Hindi na nga siya uutal-utal ngayon pero minsan meron paring utal effect. Minsan. Yun nga lang, kung anong inimprove niya sa pagsasalita niya ay yun naman ang pagkaiwan ng self esteem niya. Kesyo nagmumukha daw siyang basahan pag ako kasama niya. Kesyo di daw kami bagay magkasama dahil langit at lupa ang peg namin. Sus! Hula ko, nanunuod ng teleserye ang weird na yun. Masyadong maraming alam na kadramahan.

Nasa labas na ako ng village at hinihintay siya. Hindi siya feeling babae kung iniisip niyong ang tagal niya. Sadyang napaaga lang talaga ang paglabas ko. Excited eh. First date kaya.

3 minutes before sa time ng pagkikita namin ay dumating na siya. At ibang Vincent ang nakita ko.

Ang gwapo, Daniella. Sino yan?

-Vincent Lim POV-

First date. Hindi ko alam kung iko-consider ko ba siyang date dahil hindi naman sinabi ni Daniella na date ito, sinabi niya lang na lalabas kami ngayon dahil magpapasama daw siyang bumili ng bagong album ng favorite band niyang The Script.

"O ito, suot mo 'to." Sabi ni kuya sabay abot ng kung anong damit na hawak niya.

Napakunot naman ang noo ko sa mga nakikita ko. Ang init naman ata pag sinuot ko ito kahit manipis lang, pakiramdam ko mainit parin dahil ipapatong 'to eh. Isang manipis na denim polo, black shirt at puting jeans ang binigay sakin ni kuya. At isang Converse na rubber shoes. Magka-size lang kami ni kuya.

"Ang init naman nito. Tsaka may rubber shoes ako yun na lang gagamitin ko. Tsaka ayokong magsuot ng puting jeans, kitang-kita ang dumi sa may pwet kung saan man ako uupo." Pagrereklamo ko habang sinusuli sa kanya ang mga damit.

"Nagreklamo ka pa. Anong gusto mo, yang mga damit mo ang susuotin mo? Eh ang baduy mo kayang manamit. O sige, ito nalang. Polo at tsaka itong puting jeans. Tapos may brown leather shoes ako dun sa kwarto. Teka, kukunin ko."

Tumakbo na siya papuntang kwarto niya. Ano bang problema ni kuya at ginagawa akong mannequin? Ako yung may date. Date ko 'to pero kung makapagprepare siya, parang siya yung may lakad eh.

Bumalik na siya dala ang sapatos niya pero di lang yun ang dala niya. May dinala rin siyang.. Hindi ko alam ano yun pero may nakalagay na FIX at Bench ang brand. Nilapag niya yun sa table kaya nabasa ko ang nakalagay. Wax pala. Bakit may dala siyang wax? Aanhin niya yun?

"O ito. Magbihis ka na. Wag ka nang magreklamo dahil ibubuking ko talaga sa chicks mo ang sikreto mo."

Ayan na naman siya sa pamba-blackmail niya sakin tungkol sa pagiging stalker ko kay Daniella. Kaya wala na akong ginawa kundi sumunod sa kanya. Nang matapos akong magbihis ay pinapasok ko naman siya sa kwarto at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang chinicheck kung may mali sakin.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon