Chapter 35

579 13 4
                                    

"Hey there, pretty girl." baling sa akin ni tita Janette.

Tita Janette is my mother's older sister and as far as I know, nagpunta siya ng Switzerland three months ago to attend the graduation of her younger daughter and the wedding of her eldest son. But now she's back.

"Kailan po kayo dumating, tita?" I asked her with excitement.

Siya din kasi ang laging nagke-kwento sakin about my mom at masasabi ko talagang close kami ni tita Janette. Gusto ko nga siyang maging mommy dati kaso busy naman siya sa business nila tapos may mga anak pa siyang kailangan niyang asikasuhin.

"I just arrived today. Plano ko sana na bukas nalang kayo puntahan dahil gabi na rin but I can't help myself at excited na akong makita ang paborito kong pamangkin. But here I am now at malalaman ko rin pala na ikakasal na ang brother-in-law ko without me knowing about it."

I feel something fishy between them at parang nase-sense ko rin na nagtatampo si tita Janette sa pagpapakasal ni daddy.

"I was planning to tell you about this but I just thought you were busy in Switzerland. By the way, this is Margarette. She's the one I'm going to marry."

"Obviously."

Why does tita Janette sounds bitter? Ayaw ba niyang magpakasal si daddy at sumaya? Kung pareho man sila ng iniisip ni kuya na pinapalitan ni daddy si mommy, hindi ko rin naman sila masisisi dahil mahirap naman talaga kalimutan ang pagiging bahagi ng isang tao sa buhay natin. But that was like 15 years ago isa pa, kahit anong gawin namin ay hindi na babalik si mommy dito.

"Princess, you go upstairs at matulog ka na. Usapang matatanda ito." sabi sakin ni daddy kaya sinenyasan ko nalang si kuya na nasa likuran lang ni tita Janette na umakyat na kami at sumunod naman siya sakin.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay nagulat ako nang sumunod si kuya sakin.

"Sa tingin mo, papayag si tita Janette na magpakasal si daddy sa Margarette na yun?"

Ang bad ni kuya eh. Hindi man lang tinawag na tita si tita Margarette, eh magiging parte din naman siya ng buhay namin once makasal na silang dalawa ni daddy.

"I'm sure she will. Ayaw naman ni tita Janette na makulong si dad sa past niya with mom. Isa pa, kasiyahan yun ni daddy kaya alam kong papayag siya."

Tumango lang si kuya na parang hindi sigurado sa iisipin niya. Bahala nga siya, basta ako, excited ako sa union ni Francis at Margarette soon-to-be Villarante.

***Sunday***

Today's the wedding day at busy ang lahat sa preparasyon. Napapayag naman ni daddy si tita Janette at sinabi daw niyang she wants what's best for my dad at isa pa, wala daw siya sa posisyon para pigilan ang dad ko na magmahal ulit dahil matagal na panahon na ring wala si mommy sadyang nagtatampo lang si tita Janette dahil hindi kaagad sinabi ni daddy sa kanya ang tungkol sa wedding.

Kasalukuyan akong inaayusan ng bakla na ako pa talaga ang nag hire. Siya kasi ang nirecommend ni Junice sakin dahil magaling daw talaga ang makeup artist na ito at hindi naman ako nagsisi dun nang makita ko ang kinalabasan ng makeup nila ni Junice, Bianca at Kate. Invited sila of course.

"Done. You look so pretty, Ella." puri sakin nung bakla na nag makeup sakin nang matapos siya sa ginagawa niyang pag eeksperimento sa mukha ko. Eksperimento talaga noh?

Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin at totoo nga, I looked different.

"Ella-bels, ang ganda mo. Oh ito na gown mo magbihis ka na at nang makaalis na tayo." sabi ni Junice sabay abot sakin nung gown ko.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon