Monday na ulit ngayon. Balik na naman sa dati. Kami ni Vincent? Hindi ko alam. Hindi ko na siya nakausap pagkatapos ng dramahan na yun.
"Knowing that the 5 here is multiplied by the value of x. If this happen to be x = (5 • 7) + (x)². What is the value of x?"
Ayan na naman po ang value of x. Hindi ako makapag-focus sa discussion ni Ms. Asuncion eh. Lumulutang na naman itong isip ko.
Nagtatalo kasi ang id at ego ko kung tama ba itong gagawin ko mamaya.
"Huy Ella-bels. Hindi ka pa nagki-kwento kung aanhin mo 'tong bulaklak na dala mo." Pabulong na sabi ni Junice.
Hindi ko talaga ike-kwento sa kanila hangga't hindi ako sigurado sa gagawin kong plano. Eh kasi naman ang utak ko eh. Kung anu-ano nang naiisip na paraan. Nasisira na ata mga turnilyo sa loob ng ulo ko eh.
Ah bahala na nga lahat ng superhero mamaya!
Nang matapos ang buong araw ay walang ibang ginawa ang mga kaibigan ko kundi kulitin ako. Nang maikwento ko na sa kanila yung plano ko, pinagtawanan ako syempre. Pero sa huli sinuportahan naman ako. Aatras na sana ako pero sinabi naman sakin ni Bianca na wag ko nang palampasin ang pagkakataon.
Dismissal na namin. Ito na talaga 'to. Inhale. Exhale. Hoo! Kaya ko 'to.
Nasa tapat na ako ng classroom nila Vincent habang hinihintay siyang lumabas. Una kasi kaming dinismiss ng teacher namin.
Ilang minuto ang lumipas ay nagsilabasan na rin yung mga estudyante. At ang pumansin sakin?
"Oh, look who we have here, girls."
Laki ng problema ng babaeng 'to sakin? Hindi ba niya matanggap na mas maganda ako sa kanya at talbog ang beauty niya? Kung meron man siyang beauty, eh sobrang kapal na nga ng makeup niya eh.
Hindi ko na siya pinansin nang akmang kuhanin niya yung hawak ko ay automatic kong itinaas at inilayo yun sa kanya. Nakakapikon siya ah! Gusto niya atang makatikim na naman ng mga mabulaklak na salita galing sakin. Sige ibibigay ko.
"Pwede ba, wag kang masyadong pakialamera? Pakialaman mo nalang ang grades mo at hindi yung buhay ng ibang tao."
Tumawa naman siya ng mahina tsaka nag cross arms. Psh! Feeling maganda.
"Palaban ka nga talaga noh."
Talaga! Anong akala niya sakin martyr? Para lang yun sa mga mahihina.
"Bakit? Sa tingin mo ba magpapaapi ako sayo? Excuse me lang ha, nakakahiya naman sa kapal ng makeup mo pero wala ako sa isang teleserye na magpapakabasahan sa mga nag tataas-taasang gaya mo."
Nakita kong napikon na siya sa sinabi ko. Sorry not sorry. Hindi ko alam matatamaan pala siya nun eh. Kala ko pa naman magaling siyang umilag. Tsk tsk! Poor Farrah. Mali kasi kinakalaban niya.
"Excuse me? What did you just say?"
"Ay wala ng ulitan sa mga bingi." Pang-aasar ko sa kanya.
Akma naman niya akong sasampalin pero hindi niya naituloy dahil nagsalita na ako.
"Sige. Subukan mo at nang matikman mo ulit ang parusa ng guidance counselor natin. Baka nakakalimutan mong naniniwala siya sa mga reports ko? Sige lang, gawin mo lang yan. Ilang hakbang ko lang papunta dun, tapos ka na."
Pikon na pikon siyang umalis kasama ang mga alipores niya. Ano bang problema niya sakin bukod sa ako ang niligawan ni Luke at hindi siya?
Oo, sobra-sobra din yung pagkagusto niya kay Luke. Obsession na ata eh. Halos lantaran na eh halata namang walang gusto sa kanya yung tao tapos pinagsisiksikan niya pa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)