Chapter 15

695 16 4
                                    

Matapos naming paghatian yung sandwich niya ay tumambay pa kami sa rooftop.

Mahangin kasi dito at walang magugulo sa lugar na 'to.

Hindi na kami magkaharap ngayon ng upo. Magkatabi na pero hindi ganun ka-close. Mahiyain talaga siya eh.

Tapos nag-iba na rin yung confidence ko sa sarili ko dahil inamin ko ng crush ko siya. Pero hindi ko sinabi sa kanya yun ah.

"Wala ka bang ibang kakilala dito?" tanong ko.

Matagal siya bago nakasagot kaya tumingin ako sa kanya. Nakayuko lang siya.

Pakiramdam ko wala akong kasama eh. Ba yan!

"Gusto mo bang hanapin ko yung dila mo?"

Napatingin siya sakin na nanlalaki yung mga mata niya. Hindi niya agad na-gets yun kaya tumawa na ako.

May halong inis at tuwa yung emosyon ko. Naiinis ako kasi hindi ko siya makausap ng matino, tahimik kasi eh. Natutuwa din dahil nakakagaanan ko siya ng loob agad.

"Joke lang yun. Ang sabi ko hahanapin ko ang dila mo, nawala ata kasi hindi ka makapagsalita."

"Na-nahihiya pa rin kasi ako sayo."

Pabulong niyang sinabi yun pero enough lang para marinig ko. Hanggang kailan kaya siya masanay na kausapin ako?

Nahihiya pa talaga siya noh? Eh yung iba nga ang kakapal ng mukha na kausapin ako kahit di naman kami close.

At maswerte siya dahil sa lahat ng lalaki maliban kay Terence, siya yung kinakausap ko ng one on one.

Kay tagal na 'tong hiniling ng mga kalalakihan, pero siya lang yung nakakuha ng atensyon ko. He should consider himself lucky.

"Alam mo ang daming gustong kumausap sakin ng one on one. Kaya magsalita ka dyan at wag ka ng mahiya dahil ako na yung kumakausap sayo noh. Di mo ata ako kilala. Ako si Ms. Famous. Ang swerte mo, napansin ka talaga ng kagandahan ko."

Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko at hindi ako pwedeng magkamali. Nakangiti siya.

"Go-goodluck nga pala. Sa...sa tournament."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sa halip ay tinanong ko siya.

"Hindi ka pa ba sanay kinakausap kita?"

"Nakakapanibago lang kasi...ka-kasi wala akong ka-kaibigan."

Literal akong napanganga sa sinabi niya. Seryoso siya? No friends? Kahit sa labas ng school? Hindi ko ata kaya yung ganun. Ang boring kaya nun.

Isa pa, bakit ba ayaw niyang makipag-socialize sa mga tao? Hindi naman sila nangangain ng buhay tapos hindi rin sila si Sadako na nagiging cause ng kamatayan mo.

"Peram nga laptop mo, add mo ko sa facebook."

Kukuhanin ko na sana yung laptop niya kaso nataranta siyang bigla at tinago pa yun. Nahihiya din siya. Posible kayang tama yung iniisip ko kanina?

Hindi naman siguro. Wala sa mukha niyang manood ng mga ganung klase ng movie eh. Di naman siya gaya ni Terence.

"Nanonood ka ba ng porn?"

Bigla kong tinakpan yung bibig ko. Ano ba 'tong tinatanong ko? Nakakahiya.

At nakita ko naman siyang namula. Hala! Totoo kaya? Psh. Disappointed me. Kala ko pa naman inosente siya.

"Hi-hindi ah. Ma-may ginagawa lang ako. Isa pa wala akong facebook. Wala din ako niyang mga tinatawag niyong instagram, twitter at kung anu-ano pa. Gmail lang meron ako."

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon