*3 months later*
Tatlong buwan. Tatlong buwan na kaming naging close na close ni Daniella. At hanggang ngayon ay hindi ko parin inaamin sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Natotorpe ako eh.
Hindi ko alam kung may chance ba ako sa kanya dahil lang sa sinabi niyang wala na talaga siyang nararamdaman para kay Terence nung huling pag-uusap namin sa seaside.
*flashback*
"Mahal ko siya, Vincent."
Sobrang sakit lang ng sinabi niya. Para akong hotdog na pinagsakluban ng dalawang sliced bread tapos kinain.
Ayoko ngang marinig yun diba? Ayokong sabihin niya yun pero sinabi niya parin. Hindi ba niya nahahalatang nasasaktan ako sa mga sinabi niya?
"..bilang isang kaibigan." Mabilis pa sa alas kwatro akong napatingin sa kanya sa huling sinabi niya.
Kaibigan? As in friends? Hindi higit pa dun? Tama ba ang dinig ko kanina? Teka lang, naglinis ba ako ng tenga ko ngayong umaga?
"Ka-kaibigan?" Pag-uulit ko. Gusto kong ikumpirma kung tama nga ang dinig ko.
"Oo. Kaibigan. Kung hindi kami nag-usap ng masinsinan, hindi ko malalamang wala na pala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Naaawa ako sa dinadala niya ngayon at gusto ko sana siyang tulungan pero hindi ko naman alam kung paano."
Hindi ko alam anong nararamdaman ko. Pero ngayon, isa lang ang alam ko. Wala na siyang nararamdaman pa para kay Terence.
*end of flashback*
"Pag siniswerte ka nga naman. Kumusta, Vincent? Nagpapakasarap ka ba habang kasama si Ella?" Napahinto ako sa paglalakad papasok ng campus nang marinig ko ang boses ni Christopher.
Nasuspended nga pala siya ng 2 weeks nung nalaman ng guidance counselor na siya ang nag frame up sakin.
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Aba loko 'to ah. Bat ang angas mo ngayon ha?! Lumalaki na ba yang ulo mo dahil sa bali-balitang nililigawan ka ni Ella? Asa ka naman!" Tinutulak-tulak niya ang noo ko habang sinasabi niya yun.
Angas ba yun? Nagtatanong lang naman ako kung anong kailangan nila. Tsaka bakit ba ako na naman ang ginugulo nila? Hindi pa ba sila nagtanda sa suspension na natamo nila?
"Nagtatanong lang ako." Sagot ko sa kanya sa kalmadong boses. Pero sinikmuraan niya lang ako kaya napayuko ako habang sapu-sapo ko ang tiyan ko.
At ang sumunod pang nangyari ay sinuntok ako ni Bogs sa panga ko. Ngayon lang ulit ako nakatikim ng kamao nila. Pagkatapos kasi nung suspension nila ay hindi nila ako ginulo dahil nandiyan si Daniella at hindi sila makalapit.
At ngayon, bumabawi na sila dahil ako lang mag-isa ang nandito.
Isinampak ako ni Christopher sa pader at kinwelyuhan.
"Bakit ka ba nag-iilusyon na magugustuhan ka ni Ella?"
Bakit ba ang issue na yun ang lagi niyang sinasabi? May gusto ba siya kay Daniella? Nagseselos ba siya sakin dahil ako ang pinapansin ni Daniella at hindi siya?
Susuntukin niya na sana ako sa mukha nang may magsalita.
"Sige ituloy mo yan at ako mismo ang babasag ng mukha mo."
Binitiwan naman ako ni Christopher at nagsitakbuhan na sila paalis. Pinulot ko na yung bag ko saka humarap sa kanya.
"Hanggang ngayon nagpapa-bully ka parin? Kaya ka hindi tinatantanan nun dahil hindi ka lumalaban."
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)