Chapter 12

740 16 13
                                        

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na ito mula sa dibdib ko sa sobrang lakas.

Ganito ba ang nararamdaman mo pag nag-kiss kayo ng taong gusto mo?

Hindi ko naman talaga siya mako-consider na intended kiss kasi aksidente lang ang nangyari.

Naramdaman kong humiwalay sakin si Daniella at tiningnan ako na parang nababaliw siya. She pasted that creepy smile on her face at parang kinakabahan ako na ewan.

"Nag-kiss tayo. He..hehe." tatawa-tawang sabi niya sabay pikit ulit ng mata niya at ngumuso na parang hahalikan niya ulit ako.

Aba! Umaabuso na siya ha. Nakaisa na siya kanina tapos ngayon iisa na naman siya?

Ang arte mo, Vincent. Para kang babae, eh gusto mo rin naman.

Ayokong samantalahin ang pagkalasing niya dahil hindi ako ganung klase ng lalaki.

Pero parang may sariling isip ata ang mga mata ko dahil pumikit ako at naghihintay nang muling pagdampi ng malambot niyang labi sa mga labi ko.

Hinintay kong mangyari ulit ang bagay na yun pero parang ilang minuto na akong naghihintay at wala pa rin akong naramdaman kaya dinilat ko ang mga mata ko.

Nakapikit pa rin siya at nakanguso. Hinihintay ba niyang ako ang humalik sa kanya?

Pero hindi ko gagawin yun dahil unang-una, hindi ko siya girlfriend. Pangalawa, nirerespeto ko siya. At pangatlo, ayokong manamantala ng tao.

Nagulat ako nang bigla siyang dumilat at ngumisi na naman ng nakakaloko.

Di naglaon ay biglang may lumabas sa bibig niya.

Sumuka lang naman siya. Take note, SA MUKHA KO.

Di ko alam kung mandidiri ba ako sa kanya o ano kasi lahat naman ng tao sumusuka. Pero ano ba naman yung sukahan ka sa mukha mo diba? Nakakatuwa ba yun?

Nawalan na siya ng malay at napahiga nang tuluyan sa dibdib ko.

"Ano ba naman yan, Daniella. Susuka ka na nga lang, sa mukha ko pa. Mukha ba akong inidoro sa paningin mo?"

Bumangon na ako at binuhat siya dahil halata namang wala na siyang malay. Tulog na tulog na.

"OMG! Anong nangyari kay Ella-bels?" bungad na tanong ni Junice pagkabukas niya ng pinto.

"Lasing." matipid kong sagot.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto nila at inihiga siya sa kama.

"She's so wasted. Bakit siya naglasing? Ang bruha, hindi man lang ako sinama."

Lumabas na din ako sa kwarto nila since okay naman na siya at mahimbing nang natutulog.

"Vincent sandali." tawag ni Bianca sakin at nilingon ko naman agad siya.

"Thank you sa pagdala mo kay Ella dito ha. Sabi ko na nga ba eh, mapagkakatiwalaan ka. Wait, anong nangyari sa mukha at damit mo?"

Ginawa lang naman akong inidoro ng kaibigan mo. Gusto kong isagot sa kanya yun kaso parang FC naman ang dating ko nun kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.

Maya-maya ay narinig ko siyang tumawa ng mahina. Nakakatawa siguro ang pagmumukha ko dahil may bahid pa ng suka ni Daniella sa ulo ko sa bandang noo.

"No need to answer. I think I know what she did na. Basta, thank you talaga. At sorry na din kung sinukahan ka ng magaling kong best friend."

"Wala yun. Sige, una na ako." nakayukong sagot ko.

"Okay. Goodnight."

Pumanhik na ako sa kwarto namin at naabutan ko nang tulog sina Terence at Daryl.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon