Matapos ng announcement ni papa at pagpapakilala niya sa amin ni tita Margaret ay nagdinner lang kaming tatlo, si kuya naman hindi na nagdinner. Nagdahilan nalang siya na masama ang pakiramdam niya.
Pagkatapos ng dinner ay iniwan ko na si daddy at tita Margaret para makapag-usap sila kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.
Nag-shower ako at nagbihis pagkatapos lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si kuya.
"Kuya?"
Hindi ko alam kung natutulog na ba siya o nagtutulug-tulugan lang dahil nakatalikod siya kaya pumasok na ako at umupo sa gilid ng kama niya.
"Kuya, ayaw mo ba sa balita ni daddy?"
Alam ko. Para na akong timang dito na kinakausap yung taong tulog. Pero kasi eh, nalulungkot akong isipin na hahadlangan ni kuya yung pagpapakasal ni daddy.
"Kuya alam mo, gusto kong maranasan kung ano bang pakiramdam magkaron ng isang nanay. Masaya ako nung nalaman kong magpapakasal si dad kay tita Margaret."
Nilaru-laro ko yung daliri ko dahil naluluha ako na isiping hindi matutuloy yung kasal dahil kay kuya.
"Yun ba talaga yung gusto mo?"
Sabi na eh, hindi siya tulog. Lakas ng pakiramdam ko eh.
Humarap siya sakin na nakahiga pa rin. Di ko masyadong maaninag yung mukha niya dahil nakaharang ako sa liwanag ng lamp shade kaya humiga ako sa tabi niya.
Tumango ako bilang pagsagot dun sa tanong niya. Ngayon nakikita ko nang malungkot na ekspresyon ng mukha niya.
"You know what, I've hated you when we were kids."
Nagulat ako sa sinabi ni kuya. Hate niya ako? Pero bakit? Hindi ko ata matandaan yun. Mahina kasi memory ko eh, sensya na.
"Hindi mo ko mahal, kuya?"
Natawa naman siya at pinitik ang noo ko. May galit nga talaga siya sakin eh.
"Listen. That was a long time ago. You were just a baby then. Pagkapanganak mo, syempre wala pa din akong muwang nun, I was just two years old. Nung magkaisip ako at the age of four, I came to hate you."
Para namang nasaktan ako sa mga sinasabi ni kuya sakin. Hindi ko maimagine na hate niya ako tapos aawayin ako't papaiyakin o kaya aagawan ng laruan or candy.
"I hated you because I lost mom. Kung hindi ka pinanganak, buhay sana siya."
Ibig sabihin nun, ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni mommy? Para namang sinasabi niyang ako ang pumatay sa ina namin. Ouch!
"I've hated you for two years. Hindi kita kinikibo, ni ang lapitan ka at laruin ka hindi ko ginawa dati. It's just too painful to see you because it reminds me that mom's no longer at my side. Hanggang sa dumating yung aksidente. You were four years old then and I was six. Dinala kita sa park at iniwan kita doon..."
"...galit na galit si dad sakin noon. Umuulan nang araw na yun at gabi na din. Pinuntahan ka namin sa park pero wala ka na doon. Nakita namin yung teddy bear na laging dala-dala mo. At nakatanggap kami ng tawag galing sa isang hospital. You got into an accident. Malala yung sitwasyon mo noon. Kaya ka may peklat sa ulo mo, that's where you got it. And at that moment, I realized something."
Hinawakan niya ang mga kamay ko at tiningnan ako. Malungkot yung mga mata ni kuya at halatang nagsisisi at nasasaktan siya sa nangyari sakin dati.
Wala akong maalala sa mga pangyayaring yun dahil masyado pa akong bata nun.
"I realized that even if I lost my queen, I still have my princess. At pinangako ko sa sarili ko that I will love you the way I love our mother. Poprotektahan kita sa kahit na ano. Patawarin mo si kuya kung hindi ka niya naprotektahan sa walangya mong ex boyfriend."
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Novela JuvenilSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)