Chapter 9

781 20 8
                                        

*** Saturday Morning ***

Finast forward ko na dahil wala namang masyadong nangyari for the past three days.

Oo pinayagan ako ni coach na hindi um-attend sa training pero kapalit naman nun ang saturday at sunday ko next week. Kaasar lang.

"Terence, pakidala nga nito. Tsaka Vincent, pwede makisuyo? Pakidala din nito please." Sabi ni Junice habang inaabot kina Terence at Vincent ang mga plastic bags na may lamang pinamili namin kanina sa mall.

Opo, tama kayo ng nabasa. Sumama ako kahit na nandito yung bubwit na palaka. At OO tama din kayo ng nabasa, kasama din si Vincent.

Ito yung plano na sinasabi ni Junice. Para daw hindi ako matalo sa kabwisitan ko kay Terence ay kailangan ko din siyang bwisitin para fair daw.

At yun ay ang isama si Vincent sa amin.

"Ako na magdadala niyan, kayang-kaya ko lahat yan."

Inirapan ko si Terence sa sinabi niya nang kunin niya yung plastic bag na hawak ni Vincent.

Psh! Pasikat. At syempre hindi ako papatalo noh.

"Vincent, let him carry those bags. Mas bagay sa kanya magmukhang alalay kesa sayo." Sabi ko sabay pulupot sa braso ni Vincent.

Ha! Ano ka ngayong palaka ka!

"Ah.. Hehe.. Pa-pasensya na. Si-sige." Harujusko! Bakit ba uutal-utal itong kasama ko? Napagkakamalan tuloy siyang may gusto kay Terence dahil sa hiyang-hiya siyang inabot ang plastic bags dito.

"Ahh mukhang alalay? Kaya pala inlababo ka sakin dati." Pagyayabang pa niya.

Dati yun noh, kapal ng mukha niya. Sino ba siya para magyabang? Eh si Vincent nga na pinakilala ko sa kanyang crush ko hindi nga nagyayabang.

"Let's go in, aamagin tayo dito." Pagyayaya ni Kate.

Napunta na kami sa loob ng resort. Nakapunta na kami dito nila Bianca at Junice nung graduation namin pag elementary.

Merong pool kung gusto mo ng tubig na may chlorine at meron din namang beach kung prefer mo ang tubig maalat.

May isang bahay lang sa resort na 'to since hindi naman ito public. For family use lang talaga this. Ang taray nila Kate eh noh.

Pumasok na kami sa bahay at nagtungo sa magiging kwarto namin. Tatlo ang kwarto sa bahay pero yung isang kwarto ginagamit lang exclusively for VVIP. Which is ang parents ni Kate.

Sa isang kwarto magkasama kaming mga girls, at sa kabilang kwarto naman yung mga boys.

Kasama din pala namin yung boyfriend ni Junice.

Okay lang naman yung dating niya sakin. Gwapo, matangkad, singkit, maputi at tinalbugan talaga ang kakinisan ko. Sana lang hindi niya lokohin si Junice, kundi isasalang talaga namin siya sa kumukulong mantika, tsaka para siyang totoy.

Speaking of totoy. Magiging maayos kaya ang pag-stay niya sa iisang kwarto kasama si Terence? Baka mahawa siya sa virus ng lalaking yun at bukas niyan dalawang palaka na pala ang kasama namin.

"Bakit ba kasi kasama natin yung Terence na yun? At bakit nandito din si Vincent? Akala ko ba outing lang natin 'to at para ipakilala sa amin ang boyfriend mo?" Pagmamaktol ni Kate habang inaayos niya ang mga gamit niya.

Inexplain naman sa kanya ni Junice ang buong nangyari at pati na din sa plano niyang yun. Which is ngayon ko lang din nalaman na si Bianca pala talaga ang mastermind ng planong ito na isama si Vincent.

Alam naman daw niya kasing magwawala ako pag kasama ang isang palaka. So, ipinasama niya na rin ang weird guy na yun.

"Alam mo, Ella wag ka nang mabitter okay? Andyan naman si Vincent eh. And I'm sure titigilan ka na ni Terence pag nagkakaron na kayo ng moment ni Mr. Nerd Guy. Right, girls?"

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon