"Hindi ko talaga ineexpect na magagawa ko 'to."
Napalingon naman siya sakin nang sabihin ko yun at tiningnan ako saka ngumiti.
"Ako rin."
Siya rin? May nagawa ba siya? Eh ako kaya ang nanligaw sa kanya. Psh!
"Salamat, Daniella."
Ano ba yan. Kanina pa siyang nagpapasalamat sakin dahil sa mutual ang feelings namin, tss! Ano bang ipinagpasalamat niya?
Nandito kami ngayon sa labas park, a few steps away from the bar. Masyado kasing madaming tao dun tsaka maingay pa kaya dito muna kami.
"Itigil mo nga ang kakasabi mo ng salamat, nakakarindi ka ha." sabi ko sa kanya habang fini-flip yung buhok ko.
Hindi na siya nagsalita kaya lumingon ako sa kanya at pakiramdam ko nagsipuntahan sa ulo ko ang lahat ng dugo ko nang mahuli ko siyang nakatitig sakin. Beyeeen! Di ko mapigilang mag blush eh.
Parang unti-unti yatang lumalapit ang mukha namin sa isa't isa. Pansin ko rin na parang lumalakas ang tibok ng puso ko habang napapalapit kami sa isa't isa.
Ayan na, sobrang lapit na. Magki-kiss ulit kami.
"CONGRAAAA—ts! Ay sorry."
Pwede ko bang ilagay sa sako si Junice at itapon sa ilog Pasig? Nakakaimbyerna siya eh. Yun na sana yun, umeksena pa. Pwede naman niyang sabihin yun mamaya diba?
Grr! Pero teka, hindi lang pala si Junice ang nandito. Lahat pala sila nandito na. Tapos na ba ang party namin?
"Uuwi na po tayo, may curfew ang minors pag 10pm sabi ni Duterte kaya taralets na." pangunguna na naman ni Junice.
Nakaka-awkward kaya yung naudlot na kiss na nangyari kanina. Psh! Humanda ka talaga sakin, Junice pag may moment kayo ni Darryl. Papuputukan ko kayo ng judas belt.
Ang sama ko ba? Hihihi. Pasensya naman.
Nagsiuwian na nga kami dahil gabi na rin naman at tama nga si Junice 10pm ang curfew ng mga minors ayon na rin kay President Duterte.
Naghiwa-hiwalay na kami ng landas dahil iba-iba naman ang direksyon ng uuwian namin pero kami ni Vincent? Syempre magkasama kami, iisang direksyon lang naman ang pupuntahan namin eh.
Nagtaxi lang kami papunta sa school namin at galing sa school ay naglakad nalang kami pauwi sa mga bahay namin.
Tahimik lang kaming naglalakad at sobraaang awkward lang talaga. Nagkaaminan na nga kami kanina pero wala namang nagsabi kung official na ba kami o ano. Syempre ayoko namang ako pa yung magsabi nun diba, parang desperada lang ang dating ko nun.
Pasimple akong tumingin sa kanya nang hindi niya nahahalata at nakayuko lang siyang naglalakad habang nasa likod niya yung dalawang kamay niya.
Ako lang ba ito o parang gumagwapo sa paningin ko si Vincent? Wala kasi siyang suot na eyeglasses tsaka gaya nung first date namin, ganun yung style ng suot niya ngayon.
"Daniella?"
"Ay gwapo! Ah ha? So-sorry, may iniisip lang ako." ano ba yaaan! Bawas poise naman yung ginawa ko. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya tapos sinabi ko pang Ay gwapo! Nakakainis naman yun.
Mas lalo akong nasexy-han sa kanya nang tumawa siya ng pa-cool. Waaaah! Ano na bang nangyayari kay Vincent? Bakit nag-eevolve na siya? Eek! Pokemon lang ang peg?
"Bakit? May sasabihin ka ba?" huminto ako sa paglalakad dahil huminto rin naman siya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan.
"Ka-kasi...ano...ahh..."
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)