Nang makauwi ako ay hawak-hawak ko parin ang bulaklak ni binigay sakin ni Daniella.
"Oy ano yan? Ibibigay mo sa chicks mo?" Bungad sakin ni kuya habang may dalang bowl na may laman na koko crunch.
Psh! Parang bata talaga.
"Binigay sakin." Tipid kong sagot na may halong hiya. Syempre kahit kuya ko pa ang kaharap ko, mahihiya parin ako noh.
Ikaw lalaki tapos bibigyan ka ng bulaklak ng babaeng gusto mong bigyan rin nito, hindi ka ba mahihiya? Tapos may kasama pang "Nanliligaw ako sayo."
Naaalala ko na naman yun. Namula tuloy ako.
Pero ang sumunod na nangyari ang siyang ikinainis ko.
"Kuya, mukha ba akong lababo? Bakit mo ko binugahan sa mukha ko?" Reklamo ko habang pinupunasan ang mukha kong binugahan niya lang ng kinakain niya.
Okay pa sana kung si Daniella yun eh. Nasukahan na nga ako nun, hihi.
"Pasensya na tol. Pero seryoso ka? Binigyan ka ng bulaklak? Talaga naman oh. Ang torpe mo kasi, daig mo pa si Edmundo sa katorpehan kaya ayun may asawa na yung babaeng gusto niya."
Napakunot-noo nalang ako sa sinabi niya. Sinong Edmundo ba yan? Wala naman akong kilalang Edmundo ah. Bahala nga siya diyan. Iniinis niya ako lalo eh.
"Oy saan ka pupunta? Magkwento ka muna. Oy?"
Hindi ko na siya pinansin at dumiretso nalang ng kwarto ko. Wala si mama at papa ngayon sa bahay. May business trip sila sa Surigao at sa Sabado pa ang balik nila dito.
Nilagay ko lang sa bed side table ko ang bulaklak at saka ako nagdiretso sa banyo para syempre mag shower. Ano pa nga ba ginagawa sa loob ng banyo? Kakain? Tsaka binugahan ako ng magaling kong kapatid sa mukha ko. Kadiri yung lalaking yun.
Nang matapos na ako sa pagsa-shower ay nagbihis na ako at chineck ang phone ko kung may text ako galing sa kanya. Di naman ako nagkakamali dahil meron nga.
"Wag mo ko masyadong isipin ngayon baka di ako mkatulog mamaya." She texted.
Napangiti nalang ako habang paulit-ulit na binabasa ang text niya. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari at dun sa sinabi niyang panliligaw niya sakin.
Mareplyan nga 'to.
"Di ko nman mapigilang di ka isipin eh." I replied to her text.
-Daniella Villarante POV-
"Di ko nman mapigilang di ka isipin eh."
I giggled while reading his message. Ano ba naman 'tong si Lim, may ganito din pala siya kahit weird siya't hihiya-hiya.
Yung tungkol dun sa panliligaw ko? Seryoso ako dun. Wala namang masama dun hindi ba? Isa pa, di yun krimen. At mas lalong walang batas na nagsasabing hindi pwede manligaw ang babae.
Pero bakit ko nga ba yun ginawa? Hindi ko rin alam. Parang may iba akong katauhan na gumagawa ng mga bagay na yun at hindi ko siya pipigilan sa gusto niyang gawin dahil gusto ko rin naman ang ginagawa ng isa pang Daniella sa loob ko.
Pumasok na ako sa bahay namin habang fini-feel ang kilig factor na binibigay ni Vincent dahil lang sa banat niya sa text.
Hindi pa kasi ako umuwi pagkahatid sakin ni Vincent sa labas ng village namin, nagpunta pa akong park at tumambay dun. Nag-iisip kasi ako kung tama ba itong ginagawa ko at kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya whether it's really a crush or attraction lang. But I already made up my mind. Gusto ko siya kaya ipagpapatuloy ko ang gagawin ko.

BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Novela JuvenilSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...