Chapter 8

901 16 5
                                    

Nang matapos na ang practice namin ay hinintay ko na si kuya sa dahil sabay kaming uuwi.

"Una na ako. Kita nalang tayo bukas, ingat ka ha?" paalam sakin ni Bianca.

"Sige, ingat ka rin."

Nang makaalis na siya ay naiisip ko na naman ang sinabi niya kanina. Tutulungan niya akong makalimutan ng tuluyan si Terence?

Paano?

Hayy! Kung bakit pa kasi dun sa palakang yun pa ako nagkagusto.

Paano nga ba kalimutan ang sakit na nararamdaman? Isang bote ng alak? Sana nga noh? Sana nailuluwa at naisasabay sa pagsuka ang lahat ng hinanakit.

Kaso hindi eh. Para ka lang inoperahan nang walang anesthesia na tinurok sayo. Para gumaling ka, kailangan mong indahin yung sakit.

Pero alam ko rin namang hindi dapat na nanghihinayang ako sa isang tao na nanloko at nang-iwan sakin.

Kawalan niya yun dahil wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya eh. Kahit pilitin niyang maghanap ng katulad ko, wala na siyang makikita pa dahil nag-iisa lang ako sa mundong ito.

Nag-iisa lang si Daniella Villarante.

"Kanina ka pa?" tanong ni kuya nang makalapit siya sakin sa bench na kinauupuan ko sa labas ng gym.

Sasagot pa lang sana ako kaso lumabas na yung ibang member ng team at kasama na dun si froggy.

Hindi ko siya tinignan at nagyaya nalang kay kuya na umuwi. Buti nalang hindi na siya nangulit na kausapin pa ako.

Dahil mas lalo lang akong maguguluhan at ayoko nun. Kahit ilang beses ko pang ipasok sa utak ko na mag move forward ako ay napapalingon pa rin ako sa likuran ko. Hoping na sana hinahabol niya ako.

"Gusto mong kumain muna bago umuwi?"

Nalagyan ko na ata ng napakaraming sticky notes ang utak ko na may nakasulat na 'kalimutan mo na siya, hindi siya worth it' at 'sino ba siya para iyakan mo? Daniella Villarante ka' pero parang wala lang eh.

"Kumusta naman yung practice mo?"

Hihintayin ko nalang na dumating yung araw na pag tumingin ako sa kanya ay wala na talaga, as in hindi na ako masasaktan sa nangyari sa amin.

Kung ano man ang magiging plano ni Bianca para tulungan ako, I'll put my trust in her. Kung determinado ka talagang gawin ang isang bagay, magagawa mo naman yun hindi ba?

"Ella, may problema ba?"

Napalingon ako kay kuya nang hawakan niya ang balikat ko. He looked so worried and tired.

"Ha?" parang tanga kong tanong.

"Kanina pa ako nagsasalita pero hindi mo naman ako pinapansin. May problema ka ba?"

"Ah wala, pagod lang ako tsaka lumilipad din yung isip ko sa mundo ng mga pokemon at hinuhuli ko na si Snorlax gamit ang pokeball. He..he.."

Tinitigan lang ako ni kuya na para bang may tinatanggal siya sa mukha ko. Oo tinatanggal niya ang maskara ko.

Maskara na nagtatago sa tunay kong nararamdaman. Kilalang kilala na ako ni kuya at kahit mag jumping jack pa ako sa harap niya para ipakitang wala akong problema ay mahahalata at mahahalata niya.

"Tungkol ba yan kay Terence?"

Ayan naaa! Alert! Alert! Danger. Abort discussion.

"Uwi nalang tayo kuya. Gusto ko nang matulog." pagdadahilan ko. Ayoko naman kasing pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na yun eh.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon