Chapter 45

817 12 2
                                        

Daniella Villarante POV

Namulat ako na medyo nahihilo pa. Anong nangyari? Teka... totoo ba lahat yun o panaginip lang?

"Ella, kumusta ang pakiramdam mo?" agad akong napalingon sa kanya.

"Terence? Nasaan ako? Anong nangyari?" naguguluhang tanong ko. Sana nga't isang masamang panaginip lang ang nangyari sa amin ni Vincent at ng mga kaibigan ko.

"Nasa clinic ka. Dinala kita dito, matapos ka kasing... ano... matapos niyong mag-usap ni... Bianca ay nahimatay ka."

Alam kong nagdadalawang isip siyang sabihin yun. Pero tama na ang sinabi ni Terence para ipaalam sa sarili kong hindi lang yun isang masamang panaginip kundi bangungot ng katotohanan.

"I'm sorry," yun nalang ang nasabi ko. Nagi-guilty din kasi ako sa mga pinagsasabi ko kay Terence.

Pagod na akong umiyak. Pakiramdam ko'y namamanhid ang buong katawan ko sa mga pangyayaring ito. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko pa ba silang harapin.

"Daniella!" napabaling ang tingin ko sa boses na yun. Nakita ko siyang papasok sa loob ng clinic na hinihingal pa, siguro tumakbo siya.

"Terence, iwan mo muna kami. Kailangan kong makausap si Daniella," tugon niya kay Terence.

Iniwan na nga niya kaming dalawa. Natatakot akong makipag-usap sa kanya, natatakot ako sa mangyayari. Natatakot akong baka gaya ng iba ay iiwan din ako.

"Ano itong kumakalat na picture, Ella?"

So, alam na pala niya, "Hindi 'yan totoo, kuya. Photoshopped lang yan para sirain ako ng gustong sumira sakin. At ayan, nasira na nga niya ako. Nakuha na niya ang gusto niya."

Alam kong nagulat si kuya sa sinabi ko. Ikinwento ko rin sa kanya ang tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Vincent pero hindi ko na sinabi kung anong dahilan. Hindi ko rin sinabi sa kanyang sina Bianca ang may gawa nitong lahat.

"It's okay. You'll move on from this, nandito ako. Nandito kami ng mga kaibigan mo," napaiyak na ako sa sinabi niya. Wala siyang kaalam-alam na ang dapat sana ay karamay ko, ngayon ay kaaway na.

Ang sakit pa rin talaga. Doble-dobleng sakit ang nararamdaman ko. Nawala na nga si Vincent sakin, pati mga kaibigan ko nawala na rin. Ang saklap.

2 weeks later...

"Hindi ko talaga alam kung saan siya nag-transfer, Ella. I'm sorry. Pero hayaan mo, pag may nakapagsabi sakin kung nakita nila si Vincent sa ibang school, ipapaalam ko kaagad sayo."

Napatulala ako sa sinabi ni Terence. Matapos ko kasi siyang hiwalayan at ipahiya sa harap ng maraming tao ay hindi na siya nagpakita pa. Sabi naman ng teacher namin ay nag-pass daw ito ng request of transfer sa gitna ng term. Pinakiusapan na namin ni Terence na kung pwede ay sabihin niya sa amin kung saang school siya nag-transfer ay sasabihin niya lang na mahigpit daw na ipinagbilin ni Vincent na wag itong ipagsabi sa iba. Kahit sa akin.

Sobrang galit siya sa akin at alam ko yun. Hindi ko na rin makontak ang phone niya. Pati website niya ay deactivated na rin. Lahat ng pwede kong maging koneksyon sa kanya ay wala na.

Napabuntong hininga nalang ako sa sitwasyon ko. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya at kausapin siya nang masinsinan. But he's out of reach.

Ngayon, tanging si Terence at si kuya lang ang karamay ko. Minsan si Luke ay sinasamahan din ako pag may practice sina Terence. At sa tuwing lalapit si Luke sakin alam kong mas nadadagdagan ang galit ni Bianca sakin.

Isang araw nga tinanong ako ni Luke kung bakit madalang kaming magkasama ng mga kaibigan ko, nataranta pa ako sa isasagot ko sa kanya. Syempre wala naman siyang alam sa ginawa nila Bianca sakin. Naipaliwanag ko na rin sa kanyang hindi totoo yung picture na kumalat.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon