-Vincent Lim POV-
Pumasok na kami sa kwarto namin dahil hindi na daw matutuloy yung bonfire na plano sana nila Terence at Junice.
Kasalukuyang nagbibihis si Daryl dahil magkikita sila ni Junice sa labas. Si Terence naman ay nakahiga na habang may kinakalikot sa cellphone niya.
"Labas muna ako, Vince." Pagpapaalam sakin ni Daryl.
Hindi na siya nagpaalam kay Terence dahil hindi niya daw gusto ang ugali nito. Masyado daw kasing hambog at parang may nakakabit na limang aircon sa katawan nito.
Mabuti pa si Daryl dahil kinakausap ako at hindi maangas.
Si Terence kasi parang bully yung dating sakin. Ayoko namang mag-jump into conclusions pero parang nagseselos siya sakin dahil ako ang kinakausap ni Daniella at hindi siya.
Feeling ko lang ba yun? Di ko alam. Pakiramdam ko din, ayaw niya sa mga katulad kong introvert.
Maya-maya ay lumabas din siya ng kwarto at naiwan akong mag-isa.
Since wala naman akong gagawin ay kinuha ko nalang ang laptop ko at nag-open sa blogsite ko.
Nagsulat lang ako ng tungkol sa happiness na nararamdaman ng isang tao pag kasama niya ang taong nagpapasaya sa kanya.
Karamihan kasi sa sinusulat ko ay tungkol kay Daniella. Gumawa talaga ako ng blogsite tungkol sa kanya.
Pero ngayon, mapupunan na ng ibang topic ang blog ko. Tungkol na sa happiness pag nandiyan siya.
Pagkatapos kong magsulat ay tiningnan ko muna ang mga pictures ni Daniella na naka-save sa laptop ko.
Gustung-gusto ko talaga ang mga mata at ngiti niya. Nakakagaan kasi ng loob pag tinitingnan mo, tapos ang inosente pa niya tignan.
Sobrang humahanga na ako sa kanya dahil kinukuhanan ko rin siya ng mga stolen pictures sa mga importanteng araw para sa kanya.
Tulad nalang ng pagsali niya sa quiz bee sa English. Sa huling tournament na sinalihan niya. Sa public speaking niya at kung anu-ano pa.
Syempre hindi ko makakalimutang kuhanan siya ng litrato sa malayuan kapag nakangiti siya. Gusto ko kasing makikita yung maaliwalas niyang mukha pag nakangiti sa araw na yun.
Hindi ko pa man nasi-scan lahat ng photos na meron ako sa disk D ay biglang pumasok si Terence kaya agad kong sinara ang laptop ko at binalik sa bag.
Paano nalang pag nalaman niyang may ganun ako? Baka isipin niyang pinagnanasahan ko si Daniella.
"Wag ka nang mahiya kung nanunuod ka ng porn." Sabi niya sabay bagsak ng katawan niya sa kama at ibinaon ang ulo sa unan.
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya tungkol dun sa porn. Hindi ko kayo sasagutin kung itatanong niyo sakin kung nanunuod ba ako ng ganun o hindi.
Lalaki ako. Ano ba sa tingin niyo?
Hihiga na sana ako pero narinig kong nagsalita si Terence.
"She hates me so much."
Parang malungkot ang pagkakasabi niya nun at kahit na wala siyang sinasabing pangalan ay alam ko namang si Daniella ang tinutukoy niya.
Nakita ko naman kung paano niya tingnan si Daniella habang magkasama kami.
Marunong akong makiramdam sa kapwa ko lalaki.
Hihiga na sana ako ulit nang may kumatok sa pinto.
"Hoy weird, buksan mo." Utos sakin ni Terence.
Agad akong tumayo at tinungo ang pintuan. Pagkabukas ko, bumungad sakin si Bianca na parang nag-aalala ng sobra.
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)