-Vincent Lim POV-
Napahinto ako sa sinabi ni Daniella.
"Vincent. Date tayo."
Tama ba yung narinig ko? Hindi ko kasi siya pinansin dahil nahihiya ako sa nangyari. Kahit na sinabi niyang hindi siya naniniwala sa mga bintang sakin ay pakiramdam ko pa ring nadi-disappoint siya sakin dahil nag cheat ako.
Ayoko namang sabihin kay Ms. Rivera na si Christopher ang may pakana ng lahat dahil alam kong malaking gulo ang papasukin ko pag sinabi ko yun.
At nahihiya din ako sa kanya dahil pati tuloy siya ay nadamay pa sa gulo na ito at kamuntikan pa siyang saktan ni Farrah kanina. Buti nalang talaga at nakaharang kaagad ako kaya ako ang nasampal.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakayuko at nilalaru-laro ang lupa gamit ang right foot niya. Para siyang bata. Ang cute.
"D-date?" Pag-uulit ko.
Gusto ko lang makasiguro na tama ang dinig ko dahil ayoko namang matawag akong assuming o ano. Tsaka kung tama nga yun, bakit naman ako ide-date ng isang Daniella Villarante?
"Friendly date. Para naman hindi ka na mabadtrip diyan dahil nababadtrip na din ako sa kinikilos mo."
Pero bakit nga ba niya ako sinusundan? Pwede naman siyang umuwi at iignore lang ako at hayaan akong magdrama dito.
Hindi na ako nakasagot dahil hinigit na niya ako papunta sa kung saan.
Nakarating kami sa isang malawak na lugar sa katabi ng ilog at kita na ang ganda ng langit dahil sa paglubog ng araw.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Ang tahimik dito at wala masyadong tao, ang ganda din lugar tapos napaka-green pa ng mga damo na parang inaalagaan sila.
"Dito ako laging pumupunta pag masama ang loob ko at inaabangan ang paglubog ng araw. Kasi sinasabay ko sa paglubog ng araw ang pagpakawala ko ng sama ng loob para bukas, bagong araw na naman. Tawag ko sa lugar na 'to ay Heaven's garden."
Napatingin ako sa kanya dahil namangha ako sa mga sinabi niya. Nakita ko na naman ang isang side ni Daniella na hindi ko ineexpect na meron siya.
Ang ganda niya lang habang nakapikit at parang pinapakiramdaman ang masarap na simoy ng hangin.
Malayo kasi 'to sa syudad ng Maynila na puro polluted air ang malalanghap mo.
Bigla naman siyang dunilat at tumingin sakin kaya umiwas ako ng tingin. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ang awkward lang nun.
Umupo siya sa damuhan kaya umupo nalang din ako sa tabi niya.
"Vincent, hindi mo dapat hinahayaan ang mga tao na apihin ka. Hindi ka naman si Cinderella na tumatanggap lang ng mga pang-aalipusta at hindi lumalaban."
Mahirap kasi, Daniella. Hindi mo alam kung gaano kahirap mabuhay na ganito. Gustuhin ko mang lumaban, ayoko pa rin. Dahil unang-una, ayoko ng gulo at mas lalong ayokong masira ang pangalan ng mga magulang ko.
"Magkaibigan naman tayo diba? Pwede mo kong pagkatiwalaan sa mga problema mo. Now, tell me. May kinalaman ba si Christopher dito? I'm not asking as Daniella Villarante na famous. I'm asking as your friend who's willing to help you."
Hindi ko na siya sinagot at tumango nalang. Ayoko na ring mag-explain sa buong pangyayari dahil para akong naiinis na isipin yun.
Ikaw daw ba pagbintangang cheater, hindi ka maiinis?
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang kamay ko. Hinawakan niya talaga yun? Hindi ba ito panaginip lang? Dahil ayoko munang magising.
"You don't trust me?" Tanong niya sakin na nakahawak parin sa kamay ko.
"I... Trust you."
Pakiramdam ko nangangamatis na yung mukha ko. Hindi ko inaasahang magkakaroon kami ng ganitong eksena ni Daniella.
"Wag ka na ulit magpaapi sa iba. Don't worry, I got your back." Nakangiting tugon niya sakin sabay bitaw sa kamay ko at tumingin ulit sa may ilog.
Kahit bumitaw na siya ay pakiramdam ko nakahawak parin ang kamay niya sa kamay ko. Kinikilig ba ako? Siguro. Dahil bumilis ulit yung tibok ng puso ko.
"Uwi na tayo. May pasok pa tayo bukas."
Ayoko pa sanang umuwi dahil gusto ko pang mag-stay kasama siya pero siya na kasi ang nag-aaya na umuwi kaya wala nalang rin akong nagawa kundi umuwi.
Gumaan talaga yung pakiramdam ko dahil sa kanya. Iba na talaga ang tama ko sa Daniella na 'to.
Naglalakad na kami pauwi nang bigla niya akong hinigit papunta sa ministop.
Bumili lang siya ng dalawang meat bun tapos dalawa ding Vitamilk.
Binigay niya sakin yun. Nakakahiya sa kanya. Ako pa talaga ang nilibre niya eh. Para namang ako yung babae dito. Date ba namin 'to? Pero sabi niya kanina friendly date lang diba? Mako-consider paring date.
"Kainin na muna natin 'to habang naglalakad dahil gutom na rin ako. Tsaka umiinom ka ba ng vitamilk? Ito kasi ang iniinom ko pag nagugutom ako. Protein kasi tapos nakakabusog din."
Ang dami niyang alam tungkol sa mga pwede niyang kainin. Buti nalang hindi siya nagja-junkfoods pag gutom.
"Magsalita ka naman. Panis na yang laway mo. Nga pala, yung nangyari dun sa resort nila Kate? Nung nalasing ako? Yung nangyari dun sa dalampasigan?"
Hala naalala niya yun? Nakakahiya. Baka sabihin niyang sinamantala ko siya dahil lasing siya. Anong sasabihin ko? Mag-eexplain ako ng tama para hindi siya magalit sakin.
Aksidente lang yun at wala akong ginawa sa kanyang masama.
"Salamat sa paghatid mo sakin pabalik sa kwarto namin at sorry na din kung nasukahan ko ang mukha mo."
Yun lang? Hindi niya ba naalala yung nangyaring... Alam mo na... Yung kiss na yun?
"Ma-may na..naaalala ka?" Tanong ko sa kanya na kinakabahan.
Handa na akong masampal pag naalala niya yun. Kung sasabihin niyang sinamantala ko siya, handa akong tanggapin lahat ng mga masasakit na salita galing sa kanya.
"Wala. Sinabi lang sakin ni Bianca yung tungkol dun. Utang na loob ko yun sayo tsaka sobrang thankful din ako." Sabi niya bago siya kumagat dun sa bun na hawak niya.
Nang makarating na kami sa village nila ay agad na siyang nagpaalam kaya umuwi na rin ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Una, nainis ako dahil sa nangyaring frame up ni Christopher sakin. Pangalawa, kinabahan ako tungkol dun sa insidenteng nagkahalikan kami ni Daniella, accidentally. Tapos, sobrang saya ko din na sa lahat ng kakampi sakin at maniniwala sa deeds ko ay si Daniella pa talaga.
Kinilig din ako nung hinawakan niya ang kamay ko. Maraming nangyari na pwedeng maging dahilan ng pagiging masaya ko sa araw na ito. Pero isa lang naman ang taong nagpapasaya sakin ng lubos. Si Daniella yun.
She gave me the courage. Kaya bukas, sasabihin ko na kay Ms. Rivera ang totoong nangyari at pagkatapos nun ay hinding-hindi na ako papayag na i-bully nila ulit ako.
Hindi na rin ako papayag na ako lagi ang pinagtatanggol ni Daniella. From this day forward, ako na ang magtatanggol sa kanya sa lahat ng pwedeng manakit sa kanya.
Dahil mahal ko na siya.
------------------------
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Fiksi RemajaSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)