Chapter 14

667 12 3
                                    

-Daniella Villarante POV-

"Daniella! Mali yang ginagawa mo!"

Sinisigawan na naman ako ni coach Henry. Wala na naman ako sa sarili ko at hindi ko na naman maiwasang hindi isipin yung nangyari dun sa resort nila Kate.

Sobrang nakakahiya talaga yung ginawa kong yun. Ang boba-boba ko kasi eh. Bakit hindi ko naisip na panaginip lang yun?

Si Terence? Magiging bakla? Magkakaroon na ng buhok si PNoy, hinding-hindi yun mangyayari. Sobrang landi kaya ng palakang yun.
"DANIELLA!"

Huminto ako sa drills na ginagawa ko. Hingal na hingal ako't pinagpapawisan. Gusto kong sipain ang pagmumukha ng Terence na yun.

"Ano na naman bang nangyayari sayo? Mabuti pa bumalik ka muna sa klase mo. Mamayang hapon bumalik ka dito. At sa pagbalik mo ayokong nakikita kang ganyan. Kung hindi, tatanggalin kita sa registration para sa tournament at si Joshua lang ang iko-compete ko. Maliwanag?!"

"Yes coach."

Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng gym.

Papunta akong CR nang makasalubong ko si kuya.

"Kuya."

Lumingon siya sakin na may dalang mga naka-pile na libro.

"O bakit?" Tanong niya nang lingunin niya ako.

"Busy ka ba? Makikipagchikahan sana ako eh."

Tumawa lang siya ng mahina saka inayos sa isang kamay niya ang mga librong hawak niya pagkatapos ay ginulo ang buhok ko habang nakangiti. Problema niya? Makikipag chikahan lang naman ako ah.

"Wala ka bang klase? May ginagawa ako eh. Alam mo naman, graduating. Mamaya nalang sa bahay, okay?"

Hindi na ako pumalag at tumango nalang saka ngumiti.

Umalis na si kuya at napabuntong hininga nalang ako. Nakakainis naman kasi eh!

Nagpunta na ako sa CR at nagbihis ng uniform namin. Hindi ko alam kung saan ako tatambay dahil wala namang matambayan dito.

Bawal tumambay sa mga corridors o kahit saang parte ng school na kita ng guard dagil mako-confiscate ang ID mo.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Terence na papalapit sa direksyon sa CR. Katapat lang kasi ng CR ng girls ang CR ng boys kaya nagtago kaagad ako.

Ayokong makita niya ako na nag-iisa dahil alam kong kukulitin niya ako tungkol dun sa 'relationship' thingy nila ni Vincent kuno. Aish!

Buti nalang talaga andyan mga kaibigan ko at sini-save nila ako sa tuwing lalapitan at kakausapin ako ni Terence.

Alam na rin nila yung ginawa kong kagagahan. Tinawanan lang naman nila ako.

Nang masiguro kong nakapasok na siya sa Male's CR ay dali-dali akong lumabas at dinala ako ng mga paa ko sa rooftop.

Hindi ako pumasok sa klase. Sabi naman kasi ng mga teachers na exempted ako dahil varsity ako at dahil pinagpaalam ako ni coach kung pwedeng mag excuse ako para sa training namin for preparation sa tournament.

Hindi rin naman nila alam na pinag-break ako ni coach Henry dahil sa nawawalan ako ng gana mag-practice.

Pumunta ako sa rooftop ng building A. Dalawa kasi yung building dito. Sobrang laki talaga ng school namin.

Pakiramdam ko tuloy lumaki siya lalo at lumiit ako nang lumiit.

Nang makarating ako dun ay may nandun si Vincent at nakaupo lang.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon