Chapter 25

582 17 3
                                        

"I'm engaged, Ella."

Wala akong naramdaman na sakit. Hindi ako nasaktan sa sinabi niya. Pero bakit? Diba dapat na masaktan ako dahil kahit papaano ay minahal ko naman siya? Ibig sabihin ba nun, nakalimutan ko na ng tuluyan ang nararamdaman ko para sa kanya?

Awa. Yun lang ang nararamdaman ko. Naawa ako sa kanya dahil sa lahat ng taong mabilanggo sa isang arranged marriage ay siya pa. Wala siyang kalayaan na pumili ng kung sino man ang mapapangasawa niya balang araw. Kahit magmahal pa siya ngayon, hindi naman yun magtatagal dahil nga engaged siya.

"Minsan hiniling kong sana pinanganak nalang akong mahirap kapalit ang kalayaan ng pagpili ko kung sinong makakasama ko habang buhay. Ikaw Ella. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagbago. Ikaw lang ang nagparamdam sakin kung paano mahalin. Naduwag ako noon. Pero sa mga panahong wala ka na, naisip ko kung gaano ako kaduwag. At dun ko lang na-realized na dapat kang ipaglaban. So please, Ella. Let's get back together. Haharapin ko ang mga magulang ko and tell them to cancel the engagement dahil ikaw, ikaw ang gusto kong pakasalan balang araw at wala ng iba."

Sa sobrang haba ng sinabi niya, hindi ko naman alam kung anong isasagot ko. Speechless ako eh. Ngayon ko lang nalaman 'to, ngayon niya lang sinabi eh. Bakit ngayon pa? Bakit pa niya sinabi sakin?

Kung noon niya sinabi sakin lahat ng yun, handa naman akong intindihin siya at ipaglaban siya. Kahit naman mga bata pa kami, marunong din naman kaming magmahal noh. Walang pinipiling edad ang pag-ibig. Pero bakit ngayon lang?

Mahal ko si Terence. Oo, pero dati yun. Kung nalaman ko ang tungkol dito ng mas maaga, malamang hanggang ngayon ay magkasama parin kami. Hanggang ngayon pinaglalaban parin namin yung kung anumang meron kami at pinapatunayan sa mga magulang niyang hindi tungkol sa business at pera ang kasal.

Pero lahat ng sinabi niya ngayon, wala nang saysay. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko naman alam kung paano. Dahil unang-una, wala na kami.

Then I realized something.

Wala na talaga. Ang bilis ko lang naka-move on pero ganun naman talaga ang buhay eh. Pag pinakawalan ka na ng taong nanakit sayo, move forward because life goes on. Pero akala ko lang pala na sinaktan niya ako. Yun pala, may dinadala siya. I pity him.

"I'm sorry, Terence. You're way too late." Sabi ko sa kanya habang tinitingnan ko siya sa mga mata niya.

Kitang-kita ko kung gaano siya kalungkot at kung gaano siyang nasasaktan ngayon. I'm really sorry, Terence. I really do.

Ngumiti siya. Isang malungkot na ngiti yun. At hindi ko napigilan ang mga luha ko na tumulo. I used to love this guy pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nasa ibang level na kaming dalawa at kahit anong pilit ang gawin niya, hindi ko na maibabalik yung dati. Wala na yun eh, naglaho na.

"Si Vincent ba?"

Pinahid ko lang yung luha ko at tumango sa tanong niya. Si Vincent na yung gusto ko ngayon, hindi ko pa man siya mahal ay alam ko na sa sarili kong dadating din ako dun at sigurado ako sa bagay na yun.

"Ang sakit pala noh? Tanga ko kasi at pinakawalan pa kita." His voice cracked at kahit nakayuko siya ay alam kong umiiyak siya.

I hugged him to comfort him. Ngayon ko lang ulit siya nayakap na ako talaga ang yumakap sa kanya. Hindi naman counted yung nangyari sa gym 3 weeks ago dahil siya ang yumakap sakin. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik and I tapped his back to say non verbally na nandito lang ako para sa kanya. As his friend. Dahil ngayon, hanggang dun nalang kami.

"Sana maging masaya ka sa kanya, Ella. Pero pwede ba akong humingi ng favor sayo?"

"Ano yun?"

"Hayaan mo lang akong mahalin ka kahit na sa malayo lang. Hanggang sa mapagod ako at marealize kong tama na. At wag mo rin sana akong iwasan, I promise hindi kita kukulitin tungkol sa nararamdaman ko para sayo."

Hindi naman ako madamot at isa pa, he needs a helping hand kaya pagbibigyan ko siya sa gusto niyang mangyari. Basta ba hindi lang siya mangingialam tungkol sa amin ni Vincent ayos lang sakin yung ganung set up namin.

Pwede pala yun noh? Na maging friends parin kayo ng ex mo. Cycle kasi yung alam ko. Nagsimula kayo sa strangers tapos naging magkaibigan hanggang sa naging mag girlfriend-boyfriend tapos naghiwalay at back to being strangers ulit. Pero yung sa amin ni Terence? Hindi ko alam ang tawag dun.

All I know is, he needs a friend.

-Terence Rodrigo POV-

Nandito lang ako sa rooftop. Wala akong gana na pumasok sa klase ngayon dahil sa nangyari. Naaapektuhan na talaga ako. Ganun ang epekto ng isang Daniella Villarante sa buhay ko.

Nasabi ko na ang lahat sa kanya pero yun nga lang, bigo akong makuha siya ulit. May nakakuha na pala ng puso niya. Ang swerte ni Vincent sa kanya. Si Vincent Lim na isang outcast sa Prime High ang nagustuhan ni Ella.

Yun ang isa sa mga katangiang minahal ko sa kanya. Hindi siya mapili at patas siya magmahal. Hindi na ako magtatanong kung bakit niya nagustuhan si Vincent. Kahit na ganun ang hitsura ng weird na yun, alam ko namang hindi niya pababayaan si Ella at alam ko ring magiging masaya sila.

Sa ngayon, hahayaan ko nalang munang mahalin si Ella kahit na hindi na niya ako mahal. Gusto ko munang maramdaman 'to dahil ang swerte ko lang na si Ella pa talaga ang minahal ko.

Ang duwag-duwag ko kasi eh. Mahal ko nga siya pero nagawa ko siyang sukuan. Dahil kapag mahal mo talaga siya, ipaglaban mo. Hindi yung saka mo lang siya ipaglalaban kung wala na siya sayo. Pero kakainin ko na lahat ng sinabi ko. Wala na siya eh. Ngayon ko pa ba siya ipaglalaban na wala na siya sakin at kahit kailan ay hindi na siya babalik?

Pero mabuting tao si Ella. Nagalit man siya sakin dahil sa mga sinabi ko sa kanya na hindi naman totoo at labag sa loob ko, inintindi niya parin ako. She even gave me a chance to love her from afar at manatili kaming magkaibigan parin.

Meron pa kayang katulad ni Ella sa mundong ito? Pero alam ko namang wala na eh. Dahil nag-iisa lang siya. Nag-iisa lang si Daniella Villarante. Ang Ms. Famous ng buhay ng isang Terence Rodrigo na nagtino dahil sa kanya.

I'm so lucky dahil minahal niya ako noon. It may all be in the past, but I'll treasure those memories and keep it for the rest of my life.

"I love you, Daniella."

---------------------

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon