Chapter 33

501 15 3
                                        

-Bianca Dela Costa POV-

I let Terence come with us dahil may plano ako para sa best friend ko. Syempre ayoko na siyang nakikitang nahihirapan at isa pa, aba nakakawala ng pagkababae yung ginagawa niyang panliligaw kuno kay Vincent noh.

Ano tingin niya sa sarili niya, lalaki? Eh wala naman siyang bigote at mas lalong wala siyang... Alam niyo na yun.

Nalaman ko na rin yung tungkol sa issue nilang dalawa ni Terence, na hindi pala siya niloko. Kasi naman itong lalaking 'to, nagpadala pa dun sa lecheng fixed marriage na yan. Kaya ako tuloy ang kinukulit na magkabalikan sila ni Ella.

At dahil sa nakikita ko namang wala nang pag-asa sa kanila ay pinakiusapan ko nalang si Terence na sana ay maging masaya nalang siya para kay Ella.

Dahil dun, pinlano naming isama siya sa night out namin para pagselosin si Vincent. At kapag nagselos na siya, aamin siya kay Ella sa totoong nararamdaman niya. Halata namang may gusto siya sa kaibigan ko, masyado lang pakipot. Daig pa isang babae sa kakiputan niya.

Nasa dance floor na kami at kasayaw ko si Kate pero nagmamasid kaming dalawa kay Vincent, Terence and Ella.

Nakita naman naming lumalapit si Vincent sa kinaroroonan nila Ella. Akala ko pagbubuwagin niya yung dalawa pero parang mali ako kaya pinuntahan ko siya.

Pero bago ako makalapit sa kanya ay pinigilan ako ni Kate at inabot sakin ang isang shot glass na may lamang aphrodisiac na alak. Masyado ka talagang mahinhin, Lim. Pagkatapos ng plano naming ito, happy ending na kayo. I'm just doing this for them. Pero syempre, alam ito ni Ella.

Sinabi namin sa kanya 'to bago pa kami dumating dito nang makita niyang kasama si Terence. Actually, alam namin lahat ang plano. Si Vincent lang talaga ang walang alam.

Si Darryl pa nga ang nag-suggest na painumin itong si Lim ng aphrodisiac dahil sagad sa buto daw ang katorpehan at kamahiyain.

Lumapit na ako kay Vincent at pinigilan siya sa pag-alis niya.

"Aatras ka nalang ba?!!" sigaw ko sa kanya. Hindi kasi kami magkarinigan dahil sa lakas ng music.

Hindi siya sumagot kaya lumapit ako sa may tenga niya at sinigaw ang sasabihin ko. Enough lang naman para marinig niya. Hindi yung sigaw na masakit sa tenga.

"Susuko ka nalang ba dahil sa nakita mo?!"

Tumingin siya sakin kaya inabot ko sa kanya ang shot glass pero tiningnan niya lang yun. Ano ba naman 'to.

"Pampalakas ng loob. Inumin mo na tsaka mo siya puntahan. Hindi pa nakakadiskarte si Terence kaya bilisan mo kung ayaw mong maunahan ka." sabi ko ulit at inabot naman niya yun.

Inamoy niya pa ang laman ng baso at parang timang lang nang masira ang mukha niya sa amoy ng alak. Ano ba naman yan, ang baby pa nito. Bakit kaya nagkagusto si Ella dito? Inlababo nga siguro.

Maya-maya ay ininom na niya yun and I smiled at him. Ilang minuto lang ay magkakaroon na ng epekto ang ininom niya kaya tinulak ko na siya papunta kay Daniella at hinila na si Terence palayo dun.

Umalis na kami sa dance floor at nagsibalikan na sa table namin.

"Success ba?" tanong ni Kate nang makaupo na kami sa mga upuan namin.

I just smiled at tumango. Tumingin ako kay Terence na tahimik lang at umiinom ng beer. Problema nito?

"Hoy, para kang pinalaman ng langit at lupa. Problema mo?" tanong ko sa kanya na hindi parin binibitiwan ang bote.

"Tama ba itong ginagawa natin?"

Nabigla kami ni Kate sa tanong niya. Syempre naman. Sa tingin ba niya mali? Eh ginagawa lang naman namin 'to para magkaaminan na yung dalawa at nang wala ng ligawang mangyari sa kanila.

"Hahanapin ko lang sina Darryl at Junice ah." paalam ni Kate sa amin na halata namang umiiwas dahil hindi alam ang sagot sa tanong ni Terence.

"Akala ko ba malinaw na sayo na dapat maging masaya ka nalang para kay Ella? Eh kung pinaglaban mo kasi siya noon at di ka nagpadala diyan sa bwisit na fix marriage na yan, eh di sana kayo parin hanggang ngayon. Wala sanang Vincent Lim dito. Pero masaya na si Ella sa nerd guy na yun kaya dapat suportahan nalang natin siya. Tsaka mabuti na ring si Vincent ang magiging boyfriend niya, mabuting tao si Lim kaya panatag ang loob kong hindi babalik na luhaan ang best friend ko."

Ano ba yan, nagiging adviser tuloy ang peg ko. Si Rodrigo naman kasi eh. Ang drama na naman. Akala ko ba nagkaintindihan na kami na hindi ko siya ilalakad kay Ella dahil ayokong gumulo pa yung lovelife niya? Parang mali yata ako.

Hirap siguro mag move on pag ganun mo kamahal ang isang tao. Parang ako lang at si Luke. Mahal ko yung taong yun pero head over heels naman siya kay Ella.

Ay wag na nga natin pag-usapan si Luke, baka ako na naman ang mag-drama ngayon. This is Ella and Vincent's day kaya dapat walang drama ngayon. Happy lang walang ending. Parang ABS-CBN mobile hahahaha!

Basta, I want my best friends to be happy kaya gagawin ko lahat para sa kanila.

-Daniella Villarante POV-

Nagsasayaw kami ni Terence ngayon. Nakainom na ako kaya walang nang hiya-hiya tsaka isa pa, alam ko na rin naman ang plano nila kaya hindi ako naiilang na nandito si Terence.

Pakana lang naman ang lahat ng ito nila Bianca kaya kami nagkayayaan dito.

"Anong gagawin mo pag umamin na si Vincent sayo?" tanong niya sakin na medyo pasigaw dahil sa lakas ng music.

Anong gagawin ko? Syempre magiging masaya. Isa pa, yun na yung pinakahihintay ko diba? Sa halos tatlong buwan kong panunuyo sa kanya, magbubunga na rin sa wakas.

"I'll just enjoy the moment." sagot ko naman sa kanya. Magsasalita pa sana ako kaso may humila naman kay Terence at nakita kong si Vincent na ang nasa harap ko.

Kahit tipsy na ako, nakakakilala pa naman ako ng tao kaya alam kong siya ito.

Parang may sariling isip yung mga kamay ko dahil bigla nalang itong pumulupot sa leeg niya habang sumasabay sa music yung rhythm ng galaw ng katawan ko.

Tiningnan ko si Vincent diretso sa mata and I can see hunger in his eyes. Hunger para saan? Hindi ko alam. But the next he did... He kissed me and I kissed him back too.

Pero parang pareho ata kaming nagulat sa ginawa namin dahil sabay kaming napahiwalay sa isa't isa sabay iwas ng tingin.

Nakatayo lang kami sa gitna ng dance floor at hinahayaan yung ibang taong nagsasayaw doon. Ang awkward lang. Ngayon ko lang nahalikan si Vincent at parang iba yung naramdaman ko dun.

Hinawakan ko na siya sa kamay at hinila palabas ng bar para wala nang maingay at nang makapag-usap na rin kami ng maayos. I'm sure, sasabihin na niya kung ano mang nararamdaman niya dahil sa ginawa ni Terence kanina.

"I-I'm sorry sa gi-ginawa ko kanina. Hindi ko rin kasi a-alam ba-bakit ko ginawa yun." pag-eexplain pa niya.

Nainis naman ako dun. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa yun? Eh di ibig sabihin, the feeling is not mutual? Aish!

"Wala ka bang ibang sasabihin sakin, Vincent?" I asked him na medyo naiirita na. Eh kasi naman siya eh.

"Hindi ko alam kung pareho ba tayo ng nararamdaman pero gusto ko lang sabihin na..."

Ano ba yan, masyadong pabitin si koya. Bakit hindi nalang niya diretsuhin? Nakakainis siya ha, may pabitin-bitin effect pa siyang nalalaman.

"Na..."

"Na ano? Pwede ba sabihin mo na da-"

"Na mahal kita."

Natigilan ako sandali sa sinabi niya. Mahal niya ako? Mahal niya ako. Oo tama ang dinig ko, mahal niya nga ako. Pero teka, medyo nakainom ako kaya di ako sigurado kung tama ba talaga ang narinig ko. Baka mamaya niyan nag-iimagine lang ako eh.

"Pakiulit nga nun?" request ko sa kanya na hindi parin makapaniwala.

Nakayuko lang siya at halatang nahihiya kaya pabulong niyang inulit yung sinabi niya pero narinig ko naman.

"Mahal kita."

YES! Ang saya ko lang. At sa sobrang tuwa ko, napayakap ako sa kanya. The feeling is mutual. Mahal nga ako ni Vincent. Mahal niya ako. Nakakakilig ♥♥♥

-----------------------------------

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon