Natigilan ang lahat dahil sa maawtoridad niyang presensya.
Bakit siya nandito? Taga kabilang section naman siya ah.
Pumasok na siya ng tuluyan sa loob ng classroom namin at lumapit sa amin.
"Bianca, naparito ka?" Tanong ni Christopher.
Doon ko lang napansin na hindi lang pala siya ang nandito.
Kasama niya rin sila Junice, Kate at si Daniella.
Pangalawang beses na 'tong pinagtanggol ako.
Ang totoy ko naman. Parang ako yung babae dito eh.
Kinuha ni Bianca ang magazine na hawak ni Chrsitopher at hinampas siya sa ulo gaya nung ginawa niya sakin kanina.
"Nagha-hari hari-an ka na naman. Lubayan mo nga si nerdy boy, may gusto ka ba sa kanya at siya lagi mong pinupuntirya? Bakla ka noh?"
Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Bianca at nakita ko namang pikon na si Christopher pero pinipigilan lang niya.
Tumingin ako sa direksyon nila Daniella at nakita kong ini-erase nila ang nakasulat sa white board. Saka humarap sa mga kaklase ko.
"Ang bilis niyo namang magbalita ng chismis. Pero bakit hindi kayo mabilis matuto sa klase? Ay naku naman, sana pala chismis nalang ang discussions. I'm sure valedictorian kayong lahat." Nakapamewang na sabi ni Junice.
"That guy over there..." Tinuro ako ni Daniella at lahat sila napayuko nang magsalita siya.
Makapangyarihan talaga siya. Hindi yung kapangyarihan na gaya ng mga characters sa ghost fighter ah.
Bukod kasi sa sikat siya bilang campus muse sa Prime High ay isa din sa pinakamayamang businessman ang daddy niya.
Ang mga Villarante ang nangunguna sa larangan ng business. Gaya namin, meron din silang modelling agency.
At sobrang dami na ng models nila na sumikat internationally.
Hindi lang modelling ang business nila, meron din silang mga resort at hotels.
"...you treated him as if he doesn't exist before, right? But now, you're making a stupid fuss just because you saw us earlier? What's the f* difference? Treat him this day forward as if he doesn't exist. Just like before. Wag kayong mandamay ng tao dahil sa inggit niyo."
Kahit hindi niya direktahang pinagtanggol ako ay ganun pa rin ang dating sakin.
She saved me again for the second time.
Pagkatapos niyang magsalita ay umalis na sila.
Sinamaan naman ng tingin ni Junice si Christopher at umaktong susuntukin niya.
Pakiramdam ko left-out ako sa mundo.
Imbis na ako ang magtatanggol sa babae, ay ako pa ang pinagtanggol nila.
Nakakahiya. Hindi ko na rin alam kung anong mararamdaman ko.
Umayos na ako ng upo dahil dumating na rin ang teacher namin.
-Daniella Villarante POV-
Dismissal.
Dumiretso na ako sa gym since magsisimula na ang practice namin ngayon ni Joshua para sa tournament 3 weeks from now.
Badtrip pa rin ako sa nangyari kaninang umaga sa classroom nila Vincent.
Actually hindi ko alam na may ganung pangyayari na pala doon since si Bianca ang nagsabi sakin na may eksenang ginawa ang bully-lord na si Christopher kay weird guy.
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)