Chapter 41

495 11 3
                                        

Terence Rodrigo POV

It's been a week at okay naman ang takbo ng buhay namin as students ng Prime High. Last Friday ko lang din nakilala ang ang fiancée ko. Okay naman siya, maganda. Pero medyo bratinella nga lang.

Kung si Ella nga lang sana iyon, ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundong ibabaw.

Papunta akong canteen ngayon dahil nag cut ako ng klase. Late na kasi ako sa first subject at tinamad na akong pumasok kaya sa canteen nalang ang diretso ko.

Habang naglalakad sa pasilyo ay may narinig akong sumigaw. Hindi ko na sana papansinin iyon nang marinig ko ang pangalan ni Ella. Galing sa computer lab ang mga boses.

Hindi ko naman mapagsino dahil nasa loob sila at nasa labas lang ako. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock ito kaya idinikit ko nalang ang tenga ko sa pinto upang marinig ng mas klaro ang pag-uusap sa loob.

"Pwede ba makinig ka naman minsan! Dahan-dahanin mo dahil baka mahuli ka lang nila! Ang problema kasi sayo, masyado ka nang obsessed na makitang maghirap ang Daniella Villarante na yun!" Narinig kong sigaw ng isang babae.

Teka lang, anong paghihirap ni Ella ang pinag-uusapan nila? May masama ba silang balak?

"Wag mo akong pakialaman! Itutuloy ko pa rin ang plano ko, kahit wala kayo!" Sagot din ng isang babae.

Si Farrah ba iyon?

Inilapit ko pa ang tenga ko para marinig ulit ang pinag-uusapan nila nang bigla itong bumukas at lumabas ang dalawang babae.

Tama nga ako ng hinala. Siya. Sila ang may masamang balak kay Ella. Mga puto sila!

Daniella Villarante POV

"Ella Ella eh eh eh under my umbrella Ella Ella eh eh..."

Naiinis na ako kay Junice. Kanina pa siyang kumakanta niyan. Alam ko namang maganda ang boses niya pero sa lahat ba naman ng pwedeng kantahin, yan talaga?

"Pwede ba Junice tumigil ka sa kakakanta mo? Nakakairita." Hindi na ako ang nanermon sa kanya kundi si lola Bianca. Menopause yata hihi.

"Sungit nito. Tumanda ka sana ng maaga." Bulong na pagmamaktol naman ni Junice pero parang hindi bulong kasi umabot sa pandinig namin.

Binigyan lang siya ni Bianca ng masamang tingin bago nito binalik ang pansin sa ginagawang report.

Nasa rooftop kami dito sa building A at gumagawa ng mga reports namin. Ewan ko lang kung bakit may ganito pa kami sa English 2A namin. Para siyang research journal actually. Nakakaimbyerna.

"Kumusta naman kayo ni Vincent, Ella?" Napabaling ako ng tingin nang magtanong si Kate sakin.

Pumiling ang ulo ko bago sumagot kasi may naaalala ako, "Hmm... Okay leng nemen."

"Huy ano yan? Kinikilig ka? May nangyari ba?" Tanong naman ni Junice.

*flashback*

"Kuya, bakit kasi kailangan mo pang umalis para sa tournament na yan? Graduating ka na tapos isasali ka pa?" Tanong ko kay kuya Denver habang nakasunod sa kanya pababa ng hagdan.

"It's not just a tournament, Ella. Alam mo namang passion ko ang basketball. Don't worry, tatawagan naman kita palagi. Hintayin mo nalang na umuwi sina dad at tita Margarette. I'll go ahead, princess. Bye." Pagpapaalam niya saka niya ako hinalikan sa noo.

Nakakalungkot mag-isa, hindi ako sanay. Umalis sina daddy at tita-mommy kasi may business seminar sila ng dalawang linggo sa Europe tapos si kuya naman pupuntang Cebu para sa tournament nila sa basketball.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon