"Graduating na kuya mo, Ella-bels. Mawawalan na naman ng gwapo sa school na 'to."
Hanggang ngayon na nakapasok na kami sa classroom namin ay si kuya Denver pa rin ang bukambibig ng kaibigan kong si Junice.
Sobrang crush niya kasi kuya ko eh. Sinubukan ko siyang ilakad kay kuya pero ang sabi ng mokong?
"Hindi ako pedophile."
Pedophile daw. Lakas makabasag trip eh hindi naman bata si Junice, ano pa ba yung second year kami at fourth year siya diba? Parang 2 years gap lang eh.
Yung iba nga dyan tigli-limang taon ang gap, minsan naman sampung taon.
"Ang landi mo, Junice. May boyfriend ka naman diba?"
Napatingin ako kay Junice sa sinabi ni Bianca nang makaupo kami sa upuan namin. May boyfriend ang bruha? Eh hindi kaya siya pinapayagan ng parents niya.
"Ahh... eh... ano kasi...."
"Meron. Ayan oh." sabi ni Bianca sabay hablot ng phone ni Junice at pinakita sakin yung picture nila.
Hindi kasi pinapayagan si Junice na magboyfriend ng parents niya, unless tumaas daw yung mga grades niya. Eh pano ba naman kasi, laging pasang-awa yung grades ng bruhildang ito.
Minsan mag-oovernight kami para lang matulungan si Junice na magreview, kaso haharap lang siya sa laptop niya para mag-study kuno.
Pero maya-maya niyan biglang tatawa. Palatandaan na hindi siya nag-aaral at may kung anu-ano nang ginagawang kababalaghan sa internet.
Either makikipag-chat o makikipag-away sa mga babaeng inggit sa kanya.
Narinig namin ang biglang pagtunog ng bell kaya naman pinameywangan ni Kate si Junice.
"You're lucky. Saved by the bell. Mamaya kikilatisin ka namin kung sino yang papa mo."
"Ang chismosa niyo!"
Sabay na kaming lumabas sa classroom at nag-line para sa opening orientation blah blah blah.. Ang daming pakulo dito pag first day of school.
Nilibot ko lang yung buong paningin ko sa mga estudyante na nakalinya according na rin sa sections nila.
Nasa section Diamond kami. Bale tatlo ang sections ng Sophomores. Diamond, Emerald, at Moonstone.
May mga bagong mukha, siguro transfeeres. Yung iba naman nagbago ang mukha ng onti dahil sa... Err.. ambabata pa pero they've gone under the knife.
Yung iba naman, mga bagong gupit, may nagpakulay ng buhok.
Napunta sa isang tao ang tingin ko at pinagsisihan kong tumingin sa kanya dahil nakatingin din siya sakin.
Ang kapal ng mukha niyang ngitian ako.
Walang nagbago sa kanya. Panget pa rin.
Panget ang ugali.
Gwapo nga siya pero maitim pa sa maitim ang budhi ng lalaking yun.
"Bakit feeling ko may 'muling ibalik' sa sitwasyon na 'to?" narinig kong sabi ni Junice kaya napatingin ako sa kanya.
Nasa likuran ko lang kasi siya. At hindi ko agad nagets ang sinabi niya kaya kumunot ang noo ko.
"Kanina pa kayong nagtitinginan ni papa Terence. Bakit? May namumuo na naman ba sa inyo? Wag mong sabihin magkakabalikan kayo?"
Magkakabalikan? In his dreams! Ah hindi. Kahit sa dreams niya hinding-hindi mangyayari yun.
"Hindi noh, sino ba may sabi tinitignan ko siya? Isa pa, I'm over him. Tapos na yun, kaya nga ako si Daniella Villarante diba? Bakit ko naman ilulugmok ang sarili ko dahil lang sa hiniwalayan ako ng isang walang kwentang tao."
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)