-Vincent Lim POV-
Papunta na akong school nang makita kong kakalabas lang ng village ang kotse nila Daniella.
Naalala ko na naman ang mga pangyayari nung huling araw namin sa resort nila Kate. Hindi namin alam kung anong nangyayari sa kanya dahil iba ang kanyang ikinikilos. Isa pa, hindi siya masyadong nagsasalita noon at wala siyang kinikibo kundi si Bianca lang.
Naisip ko rin kung bakit niya nasabing magkarelasyon kami ni Terence. Sobrang nakakagulat talaga yung mga sinabi niya.
*flashback*
"I really love what happened a while ago." tatawa-tawang sabi ni Terence habang papasok na kami sa resort.
Galing kami sa labas para bumili ng ice dahil gagawa daw sila ng halo-halo. Sinama ako ni Terence dahil ako daw ang tiga-dala ng ice.
"Ikaw, nagustuhan mo ba yun? Hahahaha! Ang sarap lang sa pakiramdam eh."
Tinutukoy niya ang ginawa niyang pananakot dun sa batang maangas humingi ng limang piso. Binigyan kasi siya ni Terence ng isang piso at sinuntok siya sa pwet dahil limang piso daw ang hiningi niya at hindi isang piso.
Kaya tinakot niya ito na mamayang gabi magiging monster daw siya at kapag hindi nag-sorry ang bata sa ginawa niya ay kakainin niya ito.
"Gusto mo ba ulitin natin yun?" hindi pa rin siya natigil sa tawa niya.
Hindi nalang ako umimik at pinipigilan ko ang tawa ko dahil kanina pa akong may nararamdaman. Pakiramdam ko ay may nakatingin sa amin at nakasunod. O baka naman imagination ko lang yun?
Magsasalita sana ulit si Terence nang biglang bumungad sa harap namin si Daniella.
"MGA WALANG HIYA KAYO! HINDI NA KAYO NAHIYA SA MGA KASARIAN NIYO. NAKAKADIRI KAYONG DALAWA. NAGPAPASARAP PA TALAGA KAYO? IKAW VINCENT, AKALA KO MATINONG LALAKI KA HINDI PALA. AT IKAW NAMAN TERENCE, DINAMAY MO PA TALAGA SI VINCENT SA PAGIGING MAHALAY MO. MAGHIWALAY NA KAYO NGAYON DIN DAHIL TUTOL AKO SA RELASYONG ITO!"
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)