Chapter 38

480 12 2
                                        

***Monday***

Naglalakad na ako sa hallway papunta sa classroom nang mapansin kong nakatingin silang lahat sakin at parang umiiwas sila na ewan.

Bakit parang déjà vu ata ito? Nangyari na itong ganito noong kumalat ang picture na yun. Pero hindi naman siguro. Baka paranoid lang ako ngayon. Tama! Paranoid lang ako.

Nagdiretso na ako sa classroom at kahit pagdating ko dun ay ganun parin yung pangyayari. Tumitingin sila sakin tapos magbubulung-bulungan. Ano bang meron? May ginawa ba akong hindi nila nagustuhan?

"Ella, pinatawag ka ng coach mamaya. May importante daw siyang sasabihin sayo. Di ka ba tinext?" Bungad sakin ni Bianca habang inaayos ang bag niya.

Umiling nalang ako habang pinagmamasdan ang mga kaklase ko. Siguro hindi pa ito napapansin ni Bianca dahil kakarating lang niya. Si Junice at Kate alam kong nandito na sila dahil nasa upuan na nila ang kanilang mga bag. Kung nasaan sila? Hindi ko alam. Curious na curious ako sa nangyayari. Pakiramdam ko ako talaga yung may mali dito eh kaya sila tumitingin sakin sabay mag bulung-bulungan.

Wait lang...

'Congratulations on your father's wedding. Magpakasaya ka dahil simula bukas, maghihirap ka na'

Hindi kaya... Damn! Ano na naman kayang ginawa ng taong nangthreaten sakin? Sino ba kasi yun at bakit niya ba ako ginugulo eh wala naman akong inagrabyadong tao ah.

"Hey, Ella?" Napalingon ako ng mag snap si Bianca sa harap ko.

"H-ha? Ba-bakit?" Utal-utal kong tanong. Kinakabahan ako kung ano dapat ang isipin ko. Kung sisiraan niya man ako sa buong campus, hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin dahil unang-una hindi ko alam kung sino siya. Pero teka nga, bakit ba ako namomroblema eh hindi pa naman ako sigurado kung ako nga ba talaga ang pinagchichismisan ng mga tao dito?

"Seriously? Kanina pa ako salita ng salita dito pero hindi ka naman pala nakikinig. O sige uulitin ko para sayo mahal na prinsesa Daniella. Birthday niyo na po next week, magpapaparty ka ba? O simpleng salu-salo lang kasama yung close friends, family, and boyfriend mo? O magmumukmok ka lang gaya ng ginagawa mo ngayon?"

Ang sarcastic ng babaeng ito, pansin niyo? Ay oo nga pala, birthday ko na pala next week. Nawala talaga sa isip ko yun. Masyado kasi akong preoccupied pati araw ng kapanganakan ko nakalimutan ko.

"Mamaya na natin pag-usapan yan. May itatanong ako. Napapansin mo ba yung mga estudyante ngayon? Ang weird eh. Parang sakin sila tumitingin tapos may bulung-bulungan effect pa?"

Nakita kong bumuka na yung bibig ni Biamca para magsalita sana nang biglang pumasok sina Junice at Kate na hinihingal.

"E-Ella...ano...yung... Hah! Wait... I need air.. Hoo! Okay. Masamang balita, Ella-bels. As in super sama."

-Vincent Lim POV-

Kasalukuyan akong naglalakad sa may hallway papunta sa building namin nang nakangiti. Naalala ko kasi yung usapan naming tatlo ni Daniella at nung kuya niya.

*flashback*

" Ahh ganun ba? Sige. Maghiwalay na kayo ngayon."

Pareho kaming nagulat sa sinabi ni Denver. Kinausap na niya kasi ako tungkol sa relasyon namin ng kapatid niya. Ayaw niyang papaiyakin ko si Daniella gaya daw nung ginawa ni Terence at respetuhin ko daw yung kapatid niya.

Wala naman akong problema dun dahil kahit na hindi niya sabihin sakin yun, gagawin ko naman talaga. Hindi ko papaiyakin si Daniella at mas lalong nirerespeto ko siya.

Pero bakit ngayon pinaghihiwalay niya kami? May narealize ba siyang mali dahil dun sa naabutan niya kanina na muntik na kaming... Mag... Ha..likan ni Daniella?

"Kuya! Ano ba yang sinasabi mo? Akala ko ba okay sayo na magboyfriend ako at pasado si Vincent sayo pero—"

"Ang OA mo. Sinabi ko bang maghiwalay kayo sa relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin maghiwalay kayo ngayon dahil pasado alas tres na at may pasok pa kayo mamayang umaga. Ikaw Vincent dun ka sa guest room, ikaw babae pasok sa kwarto mo. Maghiwalay kayo."

Yun pala ang ibig sabihin ni brother-in-law. Akala ko naman paghihiwalayin niya kami.

*end of flashback*

"Vincent Lim. Kamusta? Balita ko, girlfriend mo na daw si Ella. Ibang klase ka talaga oh. Pero itatanong ko lang. Kilala mo na ba talaga nang lubusan si Ella? Baka kasi pinaglalaruan ka lang niya, kawawa ka naman. Magaling maglaro ang mga cheater." Bungad niya sakin habang natatawa at nag-apir pa sila ng mga kasamahan niya.

Ano na namang drama ni Christopher ngayon? At sino siya para sabihang cheater ang girlfriend ko? Hindi cheater si Daniella. Hindi nga siya nagloko dati nung sila pa ni Terence diba?

Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad nang hilahin niya ang balikat ko kaya napaharap ulit ako sa kanya.

"Wag mo nga akong tinatalikuran, g*go ka! Naging girlfriend mo lang si Ella, kung umasta ka kala mo kung sino ka. Sumama ka sa'min."

Hindi na ako nakapalag dahil kinaladkad na nila ako habang hawak ang kwelyo ng polo ko. Akala ko dadalhin nila ako sa likod ng building kung saan nila ako dinadala dati para bugbugin at dukutan ng pera pero dinala nila ako sa cafeteria kung saan may maraming estudyanteng nagkukumpulan sa may freedom board.

"Tumabi nga kayo diya!" Sigaw ni Christopher. Padabog niya akong binitiwan at laking gulat ko nang makita ang isang picture doon. Kasing laki ng isang one whole size long bondpaper ang picture at hindi lang isa kundi marami.

Picture ng isang babae na tumitingin sa notebook habang nasa kalagitnaan ng exam. Meron ding isang picture doon na pumasok sa loob ng faculty room. May isa ding picture kung saan naghalungkat ng examination book ang babae at may picture din kung saan nagsulat yung babae sa examination book niya sa loob ng faculty room, pinapalitan yata ang answers niya.

At ang babaeng yun ay si Daniella Villarante. Kasama sa mga nakadikit na pictures ang isang lettering na 'CHEATER'.

Halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko.

Hindi. Edited yan eh. Hindi totoo yan dahil hindi cheater si Daniella. Matalino siya at hindi niya magagawa yan. I'm sure kagagawan ito nung taong nakausap ko sa cellphone ni Daniella kagabi. Sinisiraan niya ang girlfriend ko.

Hahakbang na sana ako papunta sa board para tanggalin yung mga pictures pero naunahan ako ng isang lalaki na matangkad. Hindi ko pa nakikita ang mukha dahil nakatalikod siya.

Kinuha niya ang mga pictures na nakadikit at pinagpupunit ito at humarap sa amin nang padabog niyang ihagis ang punit-punit na mga litrato. Si Luke Reeves. Isa sa mga manliligaw ni Daniella.

"Whoever did this is a pathetic creature! Kung maninira man lang kayo, yung kapani-paniwala naman. Who would believe this kind of bull crap? Daniella Villarante doing this kind of stuff? The intelligent Daniella Villarante? You people are nuts! Let's go, Ella."

Agad akong napalingon sa kanya at doon ko lang napansin na nandito din pala sa loob ng cafeteria si Daniella. Wala siya sa sarili nang hilahin siya ni Luke palabas ng cafeteria habang yung ibang estudyante naman ay nagbubulung-bulungan.

Hindi totoo ito. Tama si Luke. Matalino so Daniella para mag cheat sa exam. Pero bakit ganito? Bakit naiinis ako sa lalaking yun imbis na matuwa ako dahil pinagtanggol niya si Daniella?

Kasi nagseselos ka.

Oo na! Alam kong hindi ito dapat ang iniintindi ko sa ngayon dahil sa problema ni Daniella. Pero hindi ko mapigilang di magselos. Ibang lalaki ang nagtanggol sa girlfriend ko instead na ako na boyfriend niya. Ibang lalaki ang nagko-comfort sa kanya, at ibang lalaki ang kasama niya sa halip na ako.

Hindi ba alam ni Luke na may boyfriend na si Daniella?

Aalis na sana ako nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa bulsa ng pantalon ko kaya kinuha ko agad ito at tiningnan ang text.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa text na natanggap ko. Ito ang kauna-unahang pagmumura ko. Sht!

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon