Arc 1 | Ch. 2: Who Are You in the First Place?

12.3K 260 3
                                    

Start the War

Chapter 002

"I'm not lying."

Cj couldn't help but chuckle because of Cheska's reaction. Among everyone else, siya ang may pinakanakakatuwang reaksyon para sa kaniya. 

She's silent for almost a minute. She still hasn't said any words since his introduction. 

Ganoon ba talaga nakakagulat kung sino siya? Kung tutuusin, he still hasn't said who he really is. Baka hindi lang ganoon na reakyon ang kaniyang makuha kung sakali.

She looked away. Pakiramdam niya ay ilang segundo na siyang nakatitig—well, she's right.

"Cheska!"

Doon lang siya napalingon sa kaniyang kaibigan. She almost forgot she's there. Muli niyang naalala ang garden na gusto nilang puntahan. 

Agad niyang nilingon si Cj na hindi man lang inalis ang tingin sa kaniya.

"The garden," hindi niya alam kung bakit niya pa tatanungin iyon ngunit mas maganda na rin ang sigurado. "Is it open for everyone?"

"Yes. It's for the students. You're just not allowed to ruin it."

Tumango tango siya roon at yumuko ng marahan. She feels like she has to do it dahil president pala ng school ang kaniyang kaharap. 

Now she understands the whispers everywhere. They all know who's the guy in front of her. Bigla tuloy siyang nagsisi sa kung paano siya kumilos kanina. Mabuti na lang ay wala siyang nasabi.

"I didn't know there's already a president..." mahinang banggit ni Cheska sa kaniyang kaibigan at nagsimula ng maglakad papalayo.

"Siya? President?" hindi na napigilan ni Brittany na lingunin ang lalaking kakasimula lang maglakad papalayo ngayon. "Anong pangalan?"

"Christian James..." bigla siyang napaisip. "Basta Lee ang apilido."

"Baka dahil Lee University ang pangalan ng university? Kaya siya ang piniling maging president?"

"Dahil doon lang?"

"Malay mo?"

Hindi na nila pinagtalunan pa kung paano nagkaroon ng president ang university sa unang araw ng klase. Nagsimula na lang silang maglakad papalabas kaya tumama na rin ang sinag ng araw sa kanilang mga balat. 

Mabuti na lang at maaga pa kaya may bitamina pa ang sinag na binibigay ng araw.

They stayed there only for fifteen minutes. Wala rin naman kasing mauupuan kaya hindi maaring pagtambayan. 

There are some students too na kumukuha ng pictures. Mukhang katulad din niya ay naakit ng magandang garden na iyon ang kaniyang atensyon.

"Anong bibilhin mo? Masasarap daw pagkain dito. Parang sa restaurant."

Sandaling tumama ang tingin ni Cheska sa phone na hawak ni Brittany na kanina pa tuwang tuwa sa pictures niya pati sa pictures nilang dalawa. Hindi niya pa malaman kung paano siya napapapayag nito na magpicture gayong ayaw na ayaw niya rito.

She doesn't know how to smile in front of cameras. She doesn't know exactly what to do. For short, she's awkward in front of it. Kaya hangga't kaya, iniiwasan niya ito.

"Kumain ako ng agahan bago umalis. Hindi pa ako nagugutom."

"Ay ganon? Hindi na lang din ako kakain. I'm on diet din naman."

"It's breakfast," may pagsuway sa kaniyang boses. "Hindi mo dapat kinakaligtaan iyon."

"Kumain naman ako ng dalawang bread kanina. Ayos na yon! Maghanap na lang tayo ng table na pagtatambayan."

BOOK 1 | Start the WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon