Arc 1 | Ch. 9: I Stand Above You

9.8K 233 13
                                    

Start the War

Chapter 009

The next day feels so normal for Cheska which she really likes. Nasasanay na siya sa environment ng Lee University at nakakausap na rin niya ang iba niyang mga kaklase. 

However, ramdam niya na iba ay hindi maganda ang turing sa kaniya but she didn't show even the slightest attention to it. Why would she?

Ng makapasok sa kaniyang classroom, Brittany is always there. Babatiin na sana niya ito with a smile on her lips but it vanished instantly ng tumama ang kaniyang tingin sa mga lalaki sa likuran. 

She didn't expect them to attend the school now. They're absent for about...a week? Tapos ngayon ay bigla silang susulpot at mas maaga pa sila sa kanila. It's just weird for her.

Inalis niya rin ang tingin sa kanila at tuluyan ng binati si Brittany. She greeted her back with a smile on her face at binalik din ang atensyon sa phone. 

Hindi na siya kinulit pa ni Cheska at saka nilabas na lang ang libro para sa una nilang subject. Malas pa dahil Mathematics ang kanilang unang asignatura—not a good breakfast for their brains.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na ang kanilang guro para sa subject. Hindi niya maiwasang hindi mapabuntong hininga at tingin sa bintana, tinanaw na lang niya ang kagandahan ng garden sa hindi kalayuan.

Even if she loves knowledge, bumibigay pa rin ang kaniyang utak sa Math. 

She hates it. She hates counting. She hates solving the problems she didn't even create in the first place. 

May mga iilang tao lang talaga ang biniyayaan ng katalinuhan sa asignatura na iyon ang unfortunately, she's not one of those lucky people.

But for her, not being ignorant in Math is a gift. Imagine being so good at it? Puro numero ang laman ng iyon utak? Math geeks must really have a stressful brain. 

She's glad her brain doesn't have to suffer and solve such complex problems.

Binalik niya ang atensyon sa harapan ng madinig ang kanilang guro na nagpapadinig para sa mga studyante na hindi nakikinig, mga natutulog at hindi binibigay ang buong atensyon sa kaniya. 

Napangiwi na lang siya at pangalumbaba saka nagsulat na sa kaniyang notebook.

"Just who the hell invented this subject..." she muttered, still writing. "...I'll resurrect him and kill him myself..."

Pinaglalaruan niya lang ang ballpen na nasa kaniyang daliri habang nakatingin sa harapan. 

She might be looking there ngunit hindi na niya ganoon iniintindi ang pinagsasasabi sa kanila. She's going to take care of her mind and she won't let any Math information invade it. Maya maya ay sumakit pa ang kaniyang ulo gayong ke aga aga.

Still resting her chin on her palms, her eyes went to the door of her classroom. Bigla iyong bumukas ng pagkalakas lakas dahilan para tumama siya sa pader. Nagulat na rin ang iba roon.

Her brows furrowed, looking at the girl and wondering who she is.

"Good morning. I'm looking for someone and I assume she's here."

Tumaas ang kilay ng guro at humalukipkip, pinantayan ang katarayan na pinapakita sa kaniya ni Alexandra. "And who is this very important girl you're looking for that you have to smash that door to the wall and interrupt my class, Ms. Sakamoto?"

Cheska can hear whispers about the girl everywhere. Lahat sila ay nagulat sa kaniyang pagdating na parang hindi nila inaasahan na doon pa rin ito nagaaral. Hindi niya ito kilala but the old students recognize her so that means she's not new.

BOOK 1 | Start the WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon