Start the War
Chapter 029
Sebastian is leaning against the wall at the entrance of Lee University. Ilang studyante na ang lumagpas sa kaniya at binati siya ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kaniyang pwesto.
Nagtataka tuloy sila. Why is he standing there? Ilang beses na rin siyang naaabutang natingin sa kaniyang relo kaya malamang ay may inaantay siya?
Kung meron? Sino naman iyon?
Natigilan sandali ang bulungan sa mga nagtatakang studyante nang tumayo na ng maayos si Sebastian at naglakad pa papalabas. They followed him using their eyes.
Lumabas si Cheska sa kotse at saka naglakad papasok ng university. Pagkatungtong na pagkatungtong niya sa loob agad niyang napansin si Sebastian na nagaantay sa kaniya.
He greeted him with a smile. Napangiti na rin doon si Cheska. Sinong magaakalang makikita niya kaagad ang lalaking iyon ngayong araw?
Hindi siya umalis sa kaniyang pwesto hanggang sa maramdamang umalis na ang kotse. She ran to him and stopped in front of him.
Nagkatinginan ang mga studyante.
Is he waiting for Cheska?
"Kanina ka pa? Inantay mo ko dito?"
"Yes," he answered sounding so proud of himself. "Gusto lang kitang sunduin para makita ko kaagad ang mukha mo at para ako ang una mong makita."
"Magkaklase naman tayo? You're that excited to see me?"
"Yeah...I always am..." he answered with a smile.
Tuminagkayad si Cheska at saka nagiwan ng halik sa kaniyang pisngi. Mas lalong napangiti roon si Sebastian at saka hinawakan ang kaniyang kamay. They walked to their classroom without giving any attention to the students around.
"Oh...my...god..."
"What did we just see?!"
"Are they together?! Are they?! Are they?!"
Nakapangalumbaba lang ngayon si Brittany sa kaniyang desk ng madinig ang pagkalakas lakas na ingay sa labas ng classroom. She saw some of the students running in one direction.
"Brittany! Brittany!"
Kunot noo niyang pinaglaanan ng tingin ang kaklase niyang papalapit sa kaniya. Walang sabi sabi netong hinawakan ang kaniyang pulsuhan at hinila papunta sa labas.
"You should see this!"
"T—teka! Ano bang nangyayari?!"
Wala siyang nakuhang sagot sa kaniyang kaklase. Patuloy lang sila sa pagtakbo hanggang sa makatungtong sa lugar kung saan siya pinapapunta.
Her eyes widened. She froze in her place. Selroz stopped beside her.
"Oh..." he muttered playfully. "What a very good breakfast huh..."
Nakaawang ang kaniyang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang best friend na kasama si Sebastian. What's more shocking about that...they're holding each other's hands.
"She remembers..."
Gusto niyang umatras. Gusto niyang lumayo ngunit hindi siya makagalaw sa kaniyang pwesto.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon. This one caught her off guard. Kahit inaasahan na niya ito, hindi niya pa rin maiwasang hindi magulat.
She's waiting for this moment to come. Alam niyang anumang araw ay babalik na ang kaniyang alaala at babalik na siya sa kaniyang pamilya.
But now that it's finally happening? Hindi niya alam kung ano dapat ang maramdaman. She's having mixed feelings but on top of that...she's scared.
BINABASA MO ANG
BOOK 1 | Start the War
ActionHumans have differences. There are powerful and powerless, wealthy and poor, smart and naive, brave and coward, strong and weak. Due to these differences, they have to separate themselves from each other to avoid chaos. For less than a century, peac...