Arc 2 | Ch. 33: They Will Be Considered as Lees Soon

6.7K 161 9
                                    

Start the War

Chapter 033

Kinabukasan, right after the class, Cheska was asked to proceed to the gymnasium for unknown matters. Kaya ngayon, magisa siyang naglalakad papunta roon dahil siya lang daw ang kailangan.

Pinauna na niya si Brittany kaya malamang ngayon ay pauwi na siya. Si Sebastian? Bago siya umalis ay sabi niya ay kikitain niya si Cj dahil may meeting ang Student Council Officers ngayon.

Ano naman kaya ang kailangan ng teacher niya sa kaniya? May kulang kaya siya sa mga gawain? Does she have any concern about her studies? Sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang ginagawang mali.

Masasagot lang ang kaniyang tanong kapag nakarating na siya roon.

Tumigil siya sa tapat ng pintuan ng gymnasium at bago buksan ang pintuan, napatingin siya sa magkabilang dulo ng hallway.

Walang mga studyante but she feels something strange.

Like...she is being watched.

Hindi na lang niya iyon pinansin. Perhaps she's just being too attentive dahil sa training niya netong nagdaang araw. Mabuti na nga lang at nakakalakad pa siya ng maayos at hindi ganoon sumasakit ang kaniyang katawan.

According to her mom, dahil daw sanay na ang kaniyang katawan sa ganoong klaseng training. Mabuti na nga lang daw at hindi nakalimutan ng kaniyang katawan ang pakiramdam ng mabibigat na training.

Binuksan niya ang pintuan at umalingawngaw ang tunog noon sa malaking kwarto. Of course, there are no students inside. Uwian na.

Pumasok siya sa loob at sinara ang pintuan. Nang wala siyang makitang tao, nagsimula siyang maglakad pababa. Perhaps that teacher is inside the office. Nasa baba lang iyon ng mga benches.

Then she paused when she felt it again. Now that she felt it again, alam niyang hindi niya guni guni ang naramdaman kanina.

Someone is indeed watching her.

Napalingon siya sa likuran. Bumungad sa kaniya ang apat na lalaki na nakatayo mismo sa harapan niya.

Ang lapit nila. Pero hindi man lang niya nadinig ang kanilang hakbang. Tila sumulpot lang sila doon.

Ayon sa kaniyang training, Mafias are assassins. And it's natural for an assassin to move quietly to kill their targets without any complications.

So...are they Mafias?

"What is this? Kayo ang tumawag sa akin?"

Ngayong may nakikita siyang mga studyante na wala naman dapat doon, tingin niya ay hindi talaga totoo na may nagpatawag na teacher sa kaniya. Ginamit lang nila iyon para mapasunod siya ng walang kahirap hirap.

Nang hindi siya binigyan ng sagot ng apat, napaismid na lang siya at saka lakad papalayo. She has no time for this.

"You cannot leave."

Nilingon niya ito. One of them is looking at her.

"You cannot leave until our job here is done."

"You're a Mafia aren't you?" hinarap niya ito ng maayos. "Hindi pa ba kayo natuto sa ginawa ni Alexandra noon? You shouldn't be doing this to a Commoner."

"No one will know, Cheska," he said with a smirk. "What's the use of using this place? We've already taken care of the CCTVs too so..."

"Did Alexandra make you do this? O si Andrei? Hindi pa ba tapos ang magkatapos na iyon sa akin?"

"We will only let you leave if you've defeated us," he ignored her assumptions. "Can you do that?"

Kumunot ang kaniyang noo. What are they asking her? Bakit ba trip na trip ng mga Mafia na makipagaway? Ikakamatay ba nila kung manahimik lang sila?

BOOK 1 | Start the WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon