Start the War
Chapter 004
Many days have passed at patagal ng patagay ay dumadami na rin ang pinapagawa sa kanilang ng mga teacher. Nagkakaroon na rin ng mga assignments at project. Thanks to that, nabusy si Cheska ng hindi iniisip kung ano ang mga posibilidad na mangyayari sa susunod na linggo. She's still clueless. Ni hindi niya alam kung anong araw na lang.
She's currently at the library of their house. Nakaupo siya sa isang sofa habang nagbabasa ng libro ng taimtim. Library is like her comfort place. She loves learning and she loves the idea of being in a place surrounded by different knowledge. Kung hindi sa kwarto ay doon siya nananatili.
Bigla siyang napatigil sa pagbabasa ng biglang may pumasok sa kaniyang utak. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lorenzo noong araw na nasa maze sila.
"You only need to come with us. We need a muse—a tough one. We have one before but she's not here so she won't be able to come with us."
Tumagilid ang kaniyang ulo. If only their muse is present, panigurado ay hindi niya kailangang sumama sa kanila.
"So who is their muse?"
Hindi niya mawari kung bakit ngayon niya lang iyon naisip. Bigla na lang iyon pumasok sa kaniyang isipan ng hindi niya napapansin. Bigla tuloy siyang nacurious kung sino ang muse na iyon at anong rason kung bakit hindi siya makakasama sa kung ano man ang mangyayari.
Pinilig na lang niya ang ulo at nagfocus na lang ulit sa pagbabasa. She was about to start again when her phone has suddenly lightened up.
From Joshua:
I will be home in few days. How are you doing there?
Napangiwi siya. At dahil wala si Arnie at napilitan ng umalis dahil kailangan na raw niya, araw araw na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa kaniyang kapatid. Agad na lang niya iyon nireplyan dahil kung hindi, magaalala lang ito sa kaniya. Baka maya maya ay pinaghahanap na pala siya sa buong mansyon just because Joshua asked them to.
To Joshua:
I'm at the library, reading. I'll see you soon!
Tinabi na rin niya agad iyon dahil tatapusin niya pa ang libro na binabasa. Ngunit bibitawan niya pa lang iyon ng magsimulang magring nag kaniyang phone. Nagtaka tuloy siya, nagreply naman siya kaagad so why is Joshua calling her—
Her brows furrowed as she laid her eyes on the screen. An unknown number is calling her. She doesn't really answer any numbers that are not registered on her phone. At saka, iilan lang naman ang laman ng contacts niya; her mom's phone numbers, Joshua's and Brittany's.
Nawala ang tawag kaya hinayaan na lang ulit niya iyon sa gilid. Hinayaan niya itong magring ulit. Ni sinilent na rin niya iyon para hindi maistorbo ang kaniyang pagbabasa ngunit nahahagip pa rin ng kaniyang mga mata ang paulit ulit na pagtawag.
She had her enough. Kinuha na niya iyon at saka sinagot.
"Who's this?"
[Oh, what a very polite way to say 'hello' after answering a call.]
She's not familiar on his voice on the call ngunit nakilala niya kaagad kung sino ang nagmamay-ari noon dahil lang sa mga salitang ginamit niya.
"How did you..."
[It doesn't matter. I only called you to tell you some things for next week.]
She wants to know how did he get her number. She can't remember she gave it to him. Ang inaasahan niya kasi ay sa personal siya neto kakausapin para i-update siya sa mangyayari.
BINABASA MO ANG
BOOK 1 | Start the War
ActionHumans have differences. There are powerful and powerless, wealthy and poor, smart and naive, brave and coward, strong and weak. Due to these differences, they have to separate themselves from each other to avoid chaos. For less than a century, peac...