Special Chapter 4

450K 13.3K 3.1K
                                    


Ito na ang promise kong special chapter sa inyo. May tatlo pang kasunod na special chapter na nakafocus naman sa ibang couples. Will post those chapters soon. Sa ngayon ito muna. :)


Ayu's Point of View


Six years na kaming nasa relationship ni Ken nang mapagdesisyunan naming magpakasal.

Yes, getting married with him is probably one of the biggest decisions I made in my whole life. Kasi marriage na ang usapan dito. Kapag pinasok mo ang buhay na 'to, hindi ka na makakawala. Though these days uso na ang divorce pero wala naman akong plano na maging divorcee. Plus, hindi naman legal ang divorce sa Pinas. There is annulment, but still...

Our first months of marriage were pure bliss. Para akong nasa romance novel na mga binabasa ko or sa mga romance movies na napapanood ko. Sobrang saya namin pakiramdam ko sasabog na ang puso ko.

Sobrang sweet ni Ken. Hindi naman siya nagbago kahit matapos naming ikasal. Sobrang maalaga pa rin niya and I'm really blessed to have him as my husband.


During our first day of marriage, everything felt so surreal. I can still clearly remember that day. Pagbukas ko ng mata ko mukha na agad ni Ken ang nakita ko. Nakapalupot ang kamay niya sa bewang ko. Isa ang araw na 'yon sa pinakamasayang araw sa buhay ko.

Noong araw na 'yon, siya ang una kong nakita at ako rin ang una niyang nakita. He kissed me bago pa man niya ako mabati ng good morning. I don't mind though. Parehas kaming nagluto ng almusal at sabay kumain. Dalawa rin kaming naghugas ng pinagkainan at naglinis ng bahay. Inayos namin ang bahay namin na medyo magulo pa since kakalipat palang namin. Bahay namin. Sa amin. Buong araw hindi kami naghiwalay kahit hanggang pagtulog. At ang saya ko kasi siya rin ang huli kong nakita bago ko ipikit ang mga mata ko.

Ganoon lang ang routine namin palagi. Sobrang saya. Parang sobrang perpekto na ng lahat.

Kaya lang syempre hindi naman pwedeng perfect ang lahat ng araw namin bilang mag-asawa.


"The early year of marriage is usually the hardest and most stressful." Tiningnan ko si Sab na nakaupo sa sala namin at hawak ang phone niya habang nagbabasa. "Most divorcees occur during the first five years of marriage (Kreider, 2005)."


Napairap ako sa narinig sa kaniya at sumandal sa sofa. Nang mapansin ni Zoe ang reaksyon ko ay binalibag niya si Sab ng throw pillow.


"Ayos rin sa pagpapaganda ng mood niya 'yan, Sab," sarkastikong sabi ni Yannie at nag thumbs up pa.

"Binabasa ko lang naman 'tong nakita ko. Nag-effort na nga akong mag-search tapos babalibagin lang pala ako ng unan? Girls, appreciate my efforts naman."


Itinaas ni Zoe ang isa pang unan sa tabi niya at nagtangkang ibalibag kay Sab pero naitaas na ni Sab ang kamay niya bilang panangga. Nang maiwasan niya ang pagtama ng unan ay itinaas niya ang baba niya at ngumisi kay Zoe.

Seryoso, hindi nakakatulong ang ginagawa nila ngayon.


"Six months." Paglilipat ni Zoe ng atensyon niya sa akin. "Six months pa lang kayo mag-asawa, Ayu."

"Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ko kanina, Zoe?" tanong sa kaniya ni Sab at kinuha ulit ang phone niya para hanapin ang binabasa niya kanina. "The early year of marriage is usually the hardest and most stressful. Most divorcees – "

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon