Xander’s POV
“Xander, ayoko na.”
Tama ba ang naririnig ko? Ayaw na niya? Ayaw na niya saan? Posible kayang.. hindi. Hindi pwede. Imposible.
“A..ayaw mo na saan?”
“Ayaw ko na nito. Ayoko na. Napapagod na ako.”
“Napapagod saan?”
“Dito, Xander. Napapagod na ako sa nangyayari sa atin. Napapadalas na ang pagtatalo natin. Lagi kang nagseselos. Nakakasawa na. Ayoko na, Xander. Maghiwalay na tayo.”
Napapikit ako sa narinig ko. Sana nanaginip lang ako. Sana hindi ‘to totoo. Walang totoo sa nangyayari ngayon. Hindi pwede ang ganito. Hindi pwedeng maghiwalay kami. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.
“Tama na, Yannie.”
“A..anong tama na?”
“Tama na ang pagjojoke? Nag-jojoke ka lang ‘di ba? Hindi ‘to totoo? Yannie, alam kong mahal mo ko. Mahal kita. Kaya bakit natin ititigil ‘to?”
Umiwas siya sa akin ng tingin, “Itigil na natin ‘to, Xander. Napapagod na ako. Ayoko na talaga.”
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. T*ngina naman! Anong kalokohan ‘to? Ilang taon kaming magkasama tapos itatapon lang ng basta basta kasi pagod na siya? Kasi ayaw na niya?
Tumayo ako sa upuan ko at lumebel sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko, “Yannie, please. Don’t do this. Kung ayaw mo ng pagseselos ko, sige, hindi na ako magseselos. Kung ayaw mong nagtatalo tayo, hindi na ako makikipagtalo. Lahat ng gusto mo susundin ko. Lahat ng ayaw mo iiwasan ko. Gagawin ko lahat, Yannie. Huwag lang ang makipaghiwalay sa’yo. Yannie, please.”
Wala na akong pakialam kung magmukha man akong tanga sa harap niya. Wala akong pakialam kung apakan ko pa ang sarili kong ego para lang huwag siyang mawala sa akin. Sobrang mahal ko siya at hindi ko kaya ng wala siya.
Kaya lang binawi niya ang kamay niya. Napatingin ako sa kanya at katulad ko ay umiiyak na rin siya, “S..sorry, Xander,” tanging nasabi niya at iniwan na akong mag-isa.
***
“Xander, hindi ka na naman ba papasok? Tatlong araw ka ng hindi pumapasok.”
Hindi ko pinansin sila Josh at tinitigan lang ang phone ko. Text ako ng text ng kay Yannie pero hindi niya ako nirereplyan. Binuksan ko ang mga messages ko sa kanya..
Yannie, can we talk?
I can’t let you go. Nangako ako sa’yo ‘di ba? Tutuparin ko ‘yun. Please, bumalik ka na sa akin.
I love you, Yannie. Don’t do this, please.
Mahal na mahal kita. Mababaliw na ako.
Pwede bang mag-usap tayo?
Yannie please. Bumalik ka na. Kahit ano gagawin ko.
Hinagis ko ang phone ko at hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko. Wala akong pakialam kung nakikita man ako ng mga kaibigan ko na nasa ganitong sitwasyon. Wala na akong pakialam sa kahit na ano. Basta bumalik lang sa akin si Yannie.
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Teen FictionTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)