Battle 55

862K 19.2K 9.5K
                                    

Yannie's POV

Totoo ba, Yannie? Totoo ba ang sinabi ni Tom.

Nasa inyo ka ba? Pupuntahan kita. Mag-usap naman tayo.

Let's talk. Please.

Please.

I miss you. I miss you so much. I love you.

 

Napahigpit ang kapit ko sa phone ko at napayuko. Sobrang hirap. Sobra na ang sakit.

A tear escaped from my eyes. I miss him, too. I miss him so bad and seeing him miserable kills me. I know he's hurting. He's hurting so much and I can't do anything about it.

Pakiramdam ko kasi kahit saan ako lumugar, mali. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko pero ito ang tingin kong tama.

"Hey, are you okay?"

Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Tom. Hindi ako sumagot. Wala akong ginawa.

"Nga pala, gusto mong mag-dinner mamaya?"

Umiling ako, "Ano.. maraming dapat gawin sa school. Kailangan kong tapusin 'yun."

"What? Yan, we're blockmates. Paanong nangyari na may requirement ka na hindi ko alam tapos ako wala?"

"It's.. It's a special project. Kaya pinatawag ako kanina ng prof. natin."

"Ah, I see."

Kwento ng kwento si Tom habang ako ay nakatingin pa rin sa phone ko. Gusto kong reply-an si Xander pero mas mahihirapan siyang mag move on kung magpaparamdam pa ulit ako sa kanya. Mas madali siguro siyang makakamove on kung hindi ako magpaparamdam sa kanya. I'll do that even if it means hurting myself. Siguro naman once na masanay ako sa pain na mararamdaman ko mawawala rin 'to. Mababalewala rin. Sabi nga ni Shakespeare, feel the pain until it hurts no more.

Kung nasasaktan ka, damhin mo na lang yung sakit hanggang sa masanay ka na na nandyan yung pakiramdam na yun. Habit, ganun.

"Are you listening, Yan?"

Naalala ko lang na magkasama pa nga pala kami ni Tom nang tapikin niya ako.

"You're spacing out. Are you sure you're fine?"

"O..oo naman. Iniisip ko lang 'yung special project na ipinagawa kay.. sa ano.. sa akin."

"Tungkol saan ba? You want me to help you?"

"No, it's okay. I can do it on my own. Huwag mo na lang akong alalahanin. Mas alalahanin mo ang sarili mo."

Hindi ko alam kung bakit nakatitig lang siya sa akin pagkasabi ko niyan. Tapos bigla bigla na lang niya akong niyakap. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi na ako nakagalaw.

"Thank you, Yan. Thank you."

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinapik ko na lang siya sa likod niya.

"I love you, Yan," bulong pa niya habang nakayakap pa rin.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon