Ayu’s POV
Kasama ko si Sab na naglalakad lakad sa campus ng tawagan ako ni Ken.
“Bakit?"
“Nasaan ka?"
“Nag-iikot lang kasama si Sab. Why?”
“Kita tayo?”
“May klase ka pa ‘di ba?”
“Early dismissal. Ayaw mo?”
“Nasa student’s park kami.”
Ano na naman ang trip ni Ken? Si Sab lang ang kasama ko kasi kami lang ang sabay ang vacant ngayon. Nagjournalism ako. Si Sab naman, interior design ang kinuha habang si Yannie, Business Ad. Si Zoe, Fine Arts major in Digital Cinema.
As for the boys, parehas na Business Ad si Xander at Ken. Kaklase nila si Yannie. Si Josh ay MassCom habang si Ice parang kay Zoe rin.
Naghiwahiwalay kami kasi sawang sawa na kami sa pagmumukha ng isa’t isa. De, joke lang. We’re just following our dreams.
“Guess who?” may nagtakip sa mata ko dahilan para mapangiti ako. Amoy palang ata niya alam ko na. May paguess who guess who pa.
“Wow, Ken, wow. Hindi ka niya makikila ‘wag kang mag-alala.”
“Panira ka ng trip, Sab.”
Binelatan lang ni Sab si Ken at bumalik sa pagtatablet.
“Miss me?”
What? Miss agad e kakakita ko lang sa kanya kahapon. Bah! Who cares? Minsan nga kakahiwalay pa lang namin ng landas namimis ko na siya. Hala. Ang OA ko na yata.
“No.” Pakipot mode: On.
Nagpaawa siya ng itsyura at hinarap ako sa kanya. Nako. Nagpapacute pa ang loko Dapat tumigil na siya. Kasi effective ang pagpapacute niya.
“Hindi mo ako namimiss kahit na ikaw palagi kong namimiss. Kahit kasama pa kita namimiss kita. Tapos ako pala hindi mo namimiss. Siguro kahit umalis ako ng bansa hindi mo pa rin ako mamimiss.”
“Aalis ka?” gulat at nagpapanic kong tanong.
Hindi pwede. Paano nga kung umalis na naman si Ken? Ano na naman ang gagawin ko? Naranasan ko na ‘yun dati. Ayoko ng maulit ‘yun ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag umalis si Ken.
Kumunot ang noo niya at maya maya ay humagalpak ng tawa. Ano ang nakakatawa? Halos atakihin at magpanic na ako dito tapos siya tatawanan lang ako? Nasaan ang hustisya?
Maya maya lang nilamutak na niya ang mukha ko at ginulo ang buhok ko.
“Ken!” inis na tawag ko sa kanya.
Mukha akong ewan. Sabukot ang mukha, gulong gulo ang buhok. At mabilis ang tibok ng puso. Ano bang nakain ng Ken na ‘to?
Huminto siya sa pagtawa at huminga ng malalim sabay lunok. Pinipigil niya ang tawa niya. Halata naman. Kainis.
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Novela JuvenilTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)