Sab's POV
Ilang minuto na akong nakatitig sa kisame. Naguguluhan ako. Hindi ko na alam gagawin ko.
Nakaramdam ako na parang may basa na tumulo sa mukha. Wala namang butas ang kisame. Wala rin namang butiki doon kaya imposibleng wiwi ng butiki tong nasa mukha ko. At isa pa, umiihi ba ang butiki?
Hinawakan ko ang mukha ko. Bwisit. Bakit umiiyak ako?
Ang kaninang isang patak lang ng tubig ay nadagdagan ng isa pa.. at isa pa.. at isa pa hanggang sa nagtuloy tuloy na.
Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit talaga ako umiiyak. Siguro dahil sa narealize ko na ang selfish selfish ko. O kaya dahil sa naprepressure na ako sa nasa paligid ko. Naprepressure ako sa lahat.
Ayoko naman kasing makipagbalikan agad sa kanya. Oo, gusto kong magkabalikan kami pero kapag nakaayos na ang lahat. Nandun pa rin kasi yung takot.
Nagfail na ang relationship namin dati. Ilang beses kami nagcool off. Ilang beses kami naghiwalay ng saglit. Ayokong maging ganun ulit karupok yung relasyon namin.
Nakakatakot na kasi. Sobrang hirap na mangyari ulit yung nangyari dati. Yung puro away. Puro tampuhan. Puro bangayan. Bihira yung sweetness. Ngayon kasing magkaibigan lang kami ni Josh mas nakakaramdam ako ng sweetness galing sa kanya.
Habang magkaibigan kami, pakiramdam ko parang sobrang importante ko. Parang lagi niya akong pinapahalagahan. Parang takot siyang mawala ako. Parang winiwin back niya ang puso ko kahit hindi ko naman binawi yun sa kanya. Parang nililigawan niya ako kasi hindi naman niya nagawa yun dati.
Natatakot ako na kapag nagkabalikan na kami, baka mawala lahat. Mawala yung sweetness. Mawala yung importansya. Mawala yung halaga. Mawala yung effort. Baka i-take for granted na naman niya ako. Baka pabayaan na naman niya ako kasi alam niyang hindi ako mawawala. Baka hayaan niya lang ako mag-isa kasi alam niyang sa kanya ako.
Gulong gulo na ako. Hindi ko na alam gagawin ko.
Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng kwarto. Kakatok na sana ako sa kwarto ni Zoe pero ayoko naman siyang istorbohin. Gabi na rin. Baka tulog na 'yun.
Napabuntong hininga ako at tumalikod. Nagulat na lang ako na makitang nakasandal si Zoe sa gilid at may hawak pang baso habang nakatingin sa akin.
"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kanya.
"Nah. A few seconds ago. Kumuha lang akong tubig sa baba. Bakit hindi mo tinuloy?" Tango niya sa may pinto.
Napailing na lang ako at nginitian ko siya, "Sige. Balik na ako sa kwarto."
"Pasok na." Sipa niya sa akin at binuksan ang pinto ng kwarto niya.
Sumunod ako at humiga sa kama niya. Nakikipagtitigan na naman sa kisame.
"Bakit ka umiyak?"
Napahawak ako sa mukha ko. Napansin pa niya yun?
"Nanuod akong movie." I lied.
“Spill.” Sabi ko nga hindi ko siya maiisahan. Napaupo ako sa kama niya at tumabi siya sa akin, “Ano na?”
“Naguguluhan na ako. Gulong gulo ako.”
“Sa inyo ni Josh?” tumango ako. Napabuntong hiniga siya at humiga, “Well that sucks.”
“I don’t know what to do. Nakokonsensya ako kasi pakiramdam ko nasasaktan ko siya sa set up na ganito pero natatakot akong pumasok sa relasyon na hindi ko pa kayang panindigan.”
“Kung ayaw mo pa, huwag ka munang pumasok sa isang relasyon. Kung mahal ka ni Josh, magagawa ka niyang hintayin kahit gaano katagal.”
“Pero Zoe, nakakainis na rin e. Parang naprepressure ako. Parang prinepressure ako. Parang lahat kayo ineexpect na magkakabalikan agad kami. Parang lahat kayo umaasa na sa happy ending ang uwi naman. Kaya lang hindi ko magawang maibigay sa inyo ang expectations niyo. Hindi naman dahil sa hindi ko na mahal si Josh. Hindi pa lang talaga ako handa. At saka nandun yung takot. Parang sa akin tuloy ang sisi kung bakit ganito pa rin ang estado namin.”
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Ficção AdolescenteTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)