Zoe’s POV
Tatlong araw na magbuhat nang maaksidente si Ice. Tatlong araw na siyang nasa ospital. Tatlong araw na siyang natutulog. Tatlong araw ko ng hindi naririnig ‘yung boses niya, ‘yung mga banat niya, ‘yung mga pang-aasar niya, ‘yung ‘I love you’s’ niya. Namimiss ko na siya kahit katabi ko lang siya. Sobrang lapit lang niya sa akin pero parang ang layo layo pa rin.
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang pisngi niya, “Ice, gumising ka na nga diyan. Siguro nagkukunwari ka na lang na natutulog kasi tinatamad ka, ‘no?”
Napilayan ‘yung kamay niya at may mga galos pa siya. Maski sa mukha may mga sugat. May benda rin ang ulo niya. Buti na lang din at hindi masyadong malala ang kalagayan niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at idinikit ito sa pisngi ko, “Wake up, my Ice. Namimiss na kita.”
“Woah. Ikaw na naman? Ikaw na lang palagi kong inaabutan na nandito. Umuuwi ka pa ba sa inyo?” tanong ni Ken pagpasok na pagpasok niya ng room ni Ice at inilagay sa side table ang prutas na dala niya.
“Kakauwi lang nila. Maliligo lang si Ate Cass tapos babalik na rin dito.”
“1 pm na.” sabi niya sabay turo sa wrist watch niya, “Sabi ni Ayu may pasok ka raw ng 2 pm. Pumasok ka na.”
“Babantayan ko pa si Ice. Wala pa sila.”
“Ako na muna ang magbabantay. Pumasok ka na tapos magpahinga ka muna sa inyo.”
Aalma pa lang sana ako ng hawakan na ako ni Ken sa balikat at tinutulak palabas,”Huwag ka ng magreklamo, Zoe. Huwag matigas ang ulo.”
“Wait lang. Magpapaalam lang ako kay Ice.” Reklamo ko sa kanya kaya binitiwan na niya ako.
Lumapit ako kay Ice at hinalikan siya sa noo, “Papasok lang ako sandali Ice. Babalik din ako. Pagaling ka na ha?”
***
“He’ll get better, Zoe.” sabi sa akin ng ka-block ko. I smiled at her.
Hindi talaga ako sanay na wala si Ice dito. Walang nangungulit. Walang naglalambing. Wala akong katabi habang nagklaklase at magsasabing makinig ako sa prof kapag inaantok na ako. Ang boring ng araw ko kapag wala siya.
Pagkatapos ng klase ko, balak ko na sanang hindi pumasok sa susunod na klase kaya lang papalabas pa lang ako ng room, sinalubong na ako ni Yannie at Xander.
“Hi, Zoe!” bati nung dalawa sa akin.
“What’s up with you two?”
Ang weird lang na naghehello sila sa akin at inabangan pa nila ako sa labas ng room. Sanay kasi ako na magtetext lang sila kapag makikipagkita tapos sasabihin nila kung saan kami magkikita.
“Wala naman. Saan ka pupunta?” tanong ni Yannie.
Gusto ko sanang sabihin na pupunta ako sa ospital para magbantay kay Ice kaya lang alam ko namang pipigilan nila ako. Kilala ko na ang mga ‘to. Kaya ayaw ko mang magsinungaling, mukhang mapipilitan ako.
“Sa student’s lounge. May one hour break kasi ako kaya gusto kong tumambay muna dun.”
“Ah, okay. Sama kami.” Nakangiti pa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Dla nastolatkówTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)