Josh’ POV
“Tama bang pinasulat ko pa ‘yun sa keychain? Hindi kaya mabaduyan ‘yun sa akin? Baka mandiri ‘yun sa ginawa ko?”
Nakatitig ako sa keychain na kamukha ng kay Sab. Syempre meron din ako. Couple keychain ba. Kaya lang hindi nga pala kami couple. Friends nga lang pala. Kaya sige, friendship keychain na lang. Tss. Niloloko ko lang sarili ko. Couple keychain na nga lang. Doon lang din naman punta namin.
“Siguro okay lang. Minsan ko lang naman gawin ‘to kaya baka hindi niya masamain.”
“Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka.”
Peste! Bakit ba kasi ito pang si Ice ang nakasama ko sa kwarto? Isang malaking kamalian sa buhay ang makipagpalit kay Xander ng kwarto. Kaya pala nakipagpalit ang loko. NapakaKJ kasi ng Ice na ‘to. Pati pagsasalita pinipigilan.
“Kung ayaw mong magsalita, magpasalita ka!” sigaw ko sa kanya.
“Tss.”
Napaupo ako sa kama at handa ng tumakbo ng umupo bigla si Ice sa kama niya at tiningnan ako ng masama.
“Kung nagsisisi ka kasi may binigay ka, edi bawiin mo.” Inis na sagot niya sa akin.
At sinong nagsabi na nagsisisi ako? Hindi kaya! Nahihiya lang. Baka sabihan niya akong baduy.
“Tingin mo ba Ice baduy ‘yung keychain na may carvings ng first letter ng names niyo tapos may puso?”
“Baduy.” Walang buhay niyang sagot. “Kung galing naman sa taong gusto niya ang regalo, kahit tig pipisong candy lang ‘yan okay na.”
Kung galing sa taong gusto? Napangiti ako ng malawak. Nagustuhan naman siguro ni Sab ‘yung keychain kung ganun? Good job, Josh! I’m so proud of myself.
“Nagustuhan naman siguro niya.” Ngiting ngiting sabi ko sa sarili ko.
“Bakit, gusto ka pa ba niya?” sagot niya at humiga ulit sabay talukbong sa kumot.
Pesteng Ice ‘yan! Basag trip talaga! Panira ang kumag na ‘to. Pinapababa ang confidence ko.
***
Kinabukasan, naglibot ulit kami sa Baguio. Kaya lang ngayon, kasama na ‘yung buong barkada. Nasa may sakayan ulit kami ng kabayo at pinapanuod namin ni Sab yung iba habang sumasakay sa kabayo.
Siniko niya ang tagiliran ko, “Malapit na tayong magpaalam sa pamilya mo. Hindi mo sila mamimiss?”
Ako na naman ang nakita ng babaeng ‘to. Sabagay, ayos na rin ‘yun kesa may iba pa siyang tingnan.
Inakbayan ko siya, “Hindi na siguro. Kasama ko naman ang nanay nila e.”
Tinulak niya ako at sinamaan ng tingin, “Siraulo!”
Nagtatawanan kami ng may humintong kabayo sa tapat namin at sakay si Ice at Zoe, “Sasakay ba o maghaharutan?”
Panira ng diskarte mga ‘to!
Mabilis lang na nagdaan ang oras. Parang kahapon lang. Ang dami na naming nalibot. Nang nakaramdam na ng mga pagod ay bumalik na kami sa hotel. Para ayusin ang mga gamit at makauwi na.
***
Sab’s POV
Ilang linggo pa ang nagdaan at naging mas close na nga kami ni Josh. Minsan tuloy naiisip ko na lang na paano kung maging magkaibigan na nga lang kaya kami? Kaya lang kapag naiisip ko ‘yun tinatanggal ko rin agad sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit. Ewan. Magulo.
“Saan punta mo?”
“Tatambay lang kami ni Josh.”
“Ayos ha. Napapadalas.”
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Ficção AdolescenteTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)