Battle 5

1.5M 29.4K 7.8K
                                    

Ayu's POV

"Ken, nasaan ka? Dismissed na kami."

Ito na ang huling subject ko kaya bago pa man ako tuluyang lumabas ng classroom, tinawagan ko na si Ken.

"Magsisimula palang class ko. Nakikita ko palang na naglalakad papasok ng room 'yung prof ko."

 "Ay. Sige, maglilibot libot muna ako at kapag nainip ako, okay lang bang mauna na akong umuwi?"

 "Ikaw bahala. Kapag nadismiss kami tatawagan agad kita."

 "Okay." And I ended the call.

Ano kaya ang magandang gawin habang naghihintay kay Ken? Maglibot? Kaya lang sasakitan ako ng paa. Kumain? Kaya lang hindi naman ako gutom baka masayang lang. Manuod ng mga varsity at cheerdancers? Nah. Mainit sa gym.

Ang boring ko na kasing tao. Feeling ko 0 level na ang social life ko. Ano bang magandang gawin? Dapat yung hindi ko ginagawa madalas.

Napatigil ako sa pag-iisip ng makapa ang bag ko. Napangiti ako. Alam ko na ang gagawin ko.

Magbabasa ako.

Umupo ako sa may upuan sa gilid ng corridor at inilagay ang earphone sa tenga ko habang tumutunog ang instrumental ng mga korean songs na theme song ng kdramas at sinimulan ang pagbabasa ng libro ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may umupo sa tabi ko. Base sa itsyura niya, mukha siyang taong palaging gagawa ng kalokohan. May kulay ang buhok. May isang hikaw. May tatlong singsing sa daliri pero malinis at mabango.

"Magbasa ka kung magbabasa ka. Hindi yung tititigan mo mukha ko."

Hindi ko na lang siya pinatulan at pinansin at ibinalik ang tingin sa libro ko. Ang angas. Wala pa rin naman siyang panama kay Ken.

"May boyfriend ka?"

Narinig ko ang tanong niya pero hindi ko 'yun sinagot at nagpatuloy sa ginagawa ko. Kung magbabasa ako, magbabasa ako. Hindi ako makikipagkwentuhan kung kanino.

"E dila, meron ka?" Epal. "Bakit hindi ka nagsasalita? Pipi ka ba?"

Ang ingay! Paano kaya ako magbabasa ng maayos nito. May panira pa kasi sa tabi. Nakakairita.

Isinara ko ang libro saka siya tiningnan ng masama at umalis. Feeling close masyado. Sa iba na lang ako magbabasa. Nakakabanas 'tong taong 'to.

Nang makita ko ang dalawang kablock ko nakatambay sa student lounge, naisipan kong sumama at makipagkwentuhan nalang sa kanila.

"Bakit wala si Ken?"

Kilala na sa classroom si Ken. Paano kasi parang kaklase na rin namin siya. Kapag kasi vacant niya at vacant ko, kami ang magkasama. Kapag naman vacant niya at may klase ako, nakikisit-in siya sa amin basta hindi terror ang prof. Kapag may klase naman siya, ako ang nakikisit-in sa kanila nila Yannie since hanggang ngayon, magkaklase pa rin si Ken, Yannie at Xander. Kapag parehas kaming may klase, ihahatid at susunduin niya ako sa classroom namin. Ganun palagi ang set-up.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon