Battle 59

1M 20.6K 5.6K
                                    

Yannie’s POV

“Ang naaalala ko lang, nakipag-break ka sa akin. Hindi ko maalalang nakipag-break din ako sa’yo. Technically, tayo pa.”

Wait. What? Am I hearing things correctly? Parang huminto ang ikot ng mundo at tanging kaming dalawa lang ni Xander ang nandito. Hindi ako makapagsalita kaya nakakatitig na lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Teka. Dapat bang may gawin? Dapat bang may sabihin?

“Ano? Namiss mo ‘tong kagwapuhan ko?”

Nakatitig lang ako sa kanya kahit na pinapaandaran na naman ako ng kayabangan niya. Kaya lang aminin ko man o hindi, alam kong totoo ang sinasabi niya. Totoo na ngang gwapo siya.

He shook his head and pulled me closer. He gave me a hug which I can’t return since I’m still in a state of shock.

“You won’t even hug me back? Really?” natatawang tanong niya.

Hindi ko pa rin nagawang gumalaw kaya siya na ang humila sa dalawang kamay ko para mayakap ko siya. And I did. I hug him back.

“I miss you, Ma.”

Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya at hindi ko na naman napigilan ang maiyak. This is too good to be true. Please don’t wake me up if I’m just dreaming.

“Why are you crying?” tanong niya nang humiwalay sa akin sabay hawak sa mukha ko at pinunasan ang luha ko.

“Why are you doing this, Xander?”

“Doing what?”

“This. Bakit ka ganyan? Pinaiyak kita ‘di ba? Sinaktan kita. Pero bakit hindi mo man lang ako papahirapan? Bakit ang bait mo pa rin? Bakit bumabalik ka kaagad sa akin?”

Ngumiti siya at pinisil ang ilong ko, “Hindi naman ako bumalik sa ‘yo kasi simula pa lang naman, hindi na kita iniwan.”

“Hindi ka man lang ba nagagalit sa akin? Kahit konti lang? Iniwan kita ng hindi man lang nagpapaliwanag.”

“Nasaktan ako, Yannie. Pero hindi ako nagalit. Besides, nalaman ko rin naman ang dahilan mo kahit hindi mo sinabi.”

“H..ha? Paano?”

Magsasalita palang sana siya pero bigla nang dumating ang prof namin. Tumingin siya saglit doon at tumingin ulit sa akin, “Mamaya na tayo magpaliwanagan. Makinig na muna tayo. Baka mapagalitan tayo at mapalabas pa.”

Umayos siya ng upo at humarap na sa prof. Ginaya ko ang ginawa niya. Nagsimula ng magsalita ang prof at magsabi ng kung anu-ano. Sa totoo lang, gusto ko talagang makinig. Kaya lang hindi ko magawa. Masyadong maraming laman ang utak ko at kung anu-ano ang mga pinapaalala nito. Kung kailan nga naman hindi ko kailangan paganahin ang utak ko saka siya nagpapaka-active. Parang nangbwibwisit lang.

I took a deep breath at pinilit pakalmahin ang utak ko kaya lang may ginawa si Xander na mas lalong nagpagulo sa utak ko kasabay ng pagwawala ng puso ko. Masyado akong naging busy sa pakikipagtalo sa sarili ko na hindi ko na namalayan na unti-unti na niyang hinahawakan ang kamay ko.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon