Battle 69

951K 21.3K 7.2K
                                    

Zoe’s POV

“Ang boring naman.” Inaantok kong sabi sa girls.

“Wala ka ata ngayon sa bahay ng mga Scott?”

“Nahihiya na ako e. Baka mabwisit na sila sa akin kasi lagi akong nandun.”

“Gaga! Anong mabwisit? Kulang na lang kaya ikaw ang gawin nilang anak at palayasin si Ice sa kanila. Kita mo ngang sa ‘yo palagi naka-side ang mga ‘yun.”

Natawa bigla si Yannie at napailing, “Huwag kang maniwala dyan, Sab. Hindi ‘yan nahihiya sa kanila. Nagpapamiss lang ‘yan kay Ice.”

Napasibi na lang ako at sumandal sa upuan. Kasama ‘yun sa rason ko pero totoong nahihiya ako. Idagdag pa na nasasaktan din ako lalo na kapag pinagtutulakan niya ako palayo. Tagos e. Sagad hanggang buto ang sakit. Pero hindi naman ako pwedeng magreklamo. Ako naman ang nagpupumilit pa rin na pumasok sa buhay niya.

“Mall na lang tayo?” pag-iiba ko ng usapan.

Pumayag naman sila at nang makapag-ayos na ay umalis na kami.

Nag-window shopping kami, nanuod ng sine at kumain. Nagdadaldalan kami at naglalakad palabas ng kinainan namin nang may makabangga ako. Nang tingnan ko kung sino ‘yun, nanlaki na lang ang mata ko at parang nawala ang dila ko.

Nakakainis. Nagpapamiss nga ako tapos makikita ko pa siya dito?

Tiningnan niya ako with his expressionless face. Lagi na lang ganyan ang tingin niya sa akin. Nawala na ‘yung tingin niya na puro love ang makikita mo sa mata niya.

“Nandito pala kayo!” bati sa amin ni Josh.

Saka ko lang napansin na lahat pala ng boys nandito. Nice.

“Anong nakain niyo at naisipan niyong mag-mall?” tanong ni Ayu sa kanila.

“Si Ice kasi bigla na lang nag-aya. Kayo?”

“Itong si Zoe, bigla din nag-aya.”

Nagkatinginan silang anim saka mga nanlaki ang mata. Bigla na lang silang nagtawanan kaya naguluhan naman ako sa nangyayari.

“What’s so funny?” kunot noo kong tanong sa kanila.

“Kaya ba kayo nag-aya kasi hindi niyo magawang ayain directly ang isa’t isa sa labas? Gusto niyo pa pala group date.” Natatawang sagot ni Yannie.

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Ice na ngayon ay mukhang badtrip na badtrip na. Napansin din ata ng iba ‘yun kaya napatahimik sila. Tiningnan ako ng masama ni Ice.

Teka, ako? Bakit, ako? Aba, teka lang naman. Ako ba ang nanukso? Bakit parang ang lumalabas sa akin siya nagagalit?

“Problema mo?” hindi ko napigilang sabihin ang mga salitang ‘yun. Kahit mahal ko si Ice minsan napipikon din ako sa kanya ha. Minsan talaga hindi ko na rin mapigilan sungitan siya.

“You’re everywhere. Umalis nga ako ng bahay para hindi ka makita tapos makikita pa rin pala kita dito. Sinusundan mo ba ako?”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon