Battle 15

1.3M 25.5K 5.9K
                                    

Yannie's POV

"Ang boring ng bakasyon." Bored na sabi ni Ayu.

Sa lagay namin ngayon, sasang-ayon ako. Buong araw lang kami nakakulong sa bahay. Kadalasan nasa kwarto lang. Lumabas man kami, sa ibang kwarto lang din kami papasok. Parang itong si Ayu, sa kwarto ko lang tumambay.

"I miss Ken." Pagmamaktol niya.

Pinapanuod ko siyang umikot ikot sa kama habang paulit ulit na sinasabing namimiss na niya ang boyfriend niya.

"Ang bagal ng oras! Ang tagal makauwi ni Ken." Ngawa niya sabay upo sa kama at bagsak ulit ng katawan.

"If you miss him that much why don't you do something?"

Napaupo na naman siya at napatingin sa direksyon ko. Walang duda na si Ayu ang pinakamatalino sa aming mga babae. Kaya lang paminsan minsan may pagkatanga rin at ayaw gamitin ang utak.

"Ano ba dapat gawin ko?"

"Bakasyon naman Ayu. Walang klase. Yung Daddy mo wala rin naman sa inyo. Maski yung Mama niyo ni Josh wala rin. Si Ken wala rin. Nasa ibang bansa."

"So?" Napafacepalm na lang ako sa babaeng 'to.

"Kesa nakatambay ka lang dito sa bahay at paulit-ulit na umiikot sa kama habang walang sawang binabanggit na namimiss mo si Ken, bakit hindi mo na lang siya puntahan kung nasaan man siya ngayon? Bakasyon naman."

Tinitigan niya ako ng matagal at ng magsink in na siguro ang sinabi ko, lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap saka bumitaw at napatalon habang pumapalakpak.

"Genius! You're a genius, Yannie!" Tuwang tuwa niyang sabi at lumabas na ng kwarto ko.

Hay. Nga naman. Ang tagal niyang nakatunganga pero hindi sumagi sa isip niyang sundan si Ken.
Nasobrahan sa talino sa academics kaya wala ng natirang katalinuhan para sa mga simpleng bagay.

"Isasuggest ko kay Zoe na puntahan din si Ice para dalawa na kami."

"Naghanap ka pa ng karamay. Pati si Zoe." Natatawa kong sabi sa kanya.

As if may malaking antenna si Zoe at biglaang napasok sa kwarto ko. "I heard my name. Ano meron?" Tanong niya sabay subo sa kinakaing ice cream.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon