Battle 29

1.1M 24.6K 7.4K
                                    

Ayu's POV

I am happy I survived this sem. Kinaya kong magfocus sa exam sa kabila ng lahat ng nangyayari sa akin this month.

Sabihin na lang natin na ever since he hugged me the other night, I felt relieved. Pakiramdam ko pwede pa, kasi sa ginawa niyang 'yun, ramdam at alam ko na mahal niya ako.

Hindi ko alam kung bakit kapag naaalala ko 'yung pagyakap niya sa akin, napapangiti pa rin ako. Siguro maraming mag-iisip na ang baliw ko kasi nangingiti ako sa simpleng bagay na 'yun lalo na na nangingiti ako e iniwanan na nga ako. Kaya lang hindi ko talaga mapigilan kiligin e. 

I wanted to hug him the moment I saw him when he came back. I wanted to hug him so bad. I wanted to, but I can't. I can't because I don't have the right. I don't have the right because we're not together anymore.

So he did me a huge favor by hugging me even for just a short period of time.

"O tapos?" 

Napakunot ang noo ko sa naging sagot ni Ram sa kwento ko. Kwinekwento ko kasi sa kanya lahat ng nangyari. 'Yung pouch, 'yung hug, 'yung kilig na nararadaman ko na kulang na lang sumabog ako.

"Ayan lang reaksyon mo? Hindi ka ba kinikilig?"

"Iniwan ka na nga kinilig ka pa? Akala ko ba matalino ka? Anong nangyari?"

Panira rin 'tong si Ram. Pinapatay ang kilig ko. Siguro bitter kasi walang girlfriend.

"Bakit ganyan ka? Kainis. Kaibigan kita kaya dapat matuwa ka sa kwento ko."

"I don't get girls. You are more complicated than a Math equation."

Napasandal na lang ako sa upuan at napacross arms.

"Can you stop talking about your ex when we're together? Wait, fine. For a fews hours or so. Can you do that?" Iritang tanong ni Ram.

Okay. Naguilty naman ako dun. Para na siguro akong 'yung ibang babae na walang ibang ginawa kundi ibida 'yung kwento nila. Ayoko sa mga ganung tao pero nagiging ganun ako. I'm being inconsiderate.

"Sorry. I'm just pissed. It's like I'm with you, but you're not with me."

Kung posibleng mas maguilty, edi sige. Mas guilty na. Binibida ko ang kwento ko pero hindi ko man lang inisip kung may problema ba siya. Ang selfish ko namang kaibigan.

"Sorry." Tinanguan lang niya ako at tumingin lang sa gilid niya.

Mukhang nainis nga si Ram sa akin. Inilibot ko ang paningin ko at napangiti sa nakita ko. Nasa park kami ni Ram at swerte lang. May pang peace offering ako sa kanya.

Umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanya. Mukha namang hindi niya napansin kasi busy siya sa panunuod sa mga nasa gilid niya.

Napapangiti ako sa ibibigay ko sa kanya. Matapos kong bilin yun, bumalik ako kay Ram at itinapat sa mukha niya ang binili ko.

"Ano 'yan?"

"Dirty ice cream. Hindi mo alam?"

Napangiti siya at tinanggap naman 'yun at kinain, "Just so you know, I'm not mad. Thanks for the ice cream tho."

"May problema ka ba?" I asked out of the blue. Tinaasan niya ako ng kilay na parang nagtatanong kung bakit ko sinabi 'yun, "Alam mo 'yung mga kadramahan ko sa buhay pero wala akong alam masyado sa 'yo. Narealize ko lang na ako lang ang panay kwento. Ikaw, anong kwento mo?"

"Nothing."

"Pwede ba 'yun?"

"I don't have issues like yours. My life is kinda boring. Typical playboy. I do the same thing everyday."

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon