Ayu's POV
Hindi ako makapaniwala. Aalis na naman siya. Iiwan na naman niya ko.
"Wala siyang nabanggit?"
Halata sa mukha ni Josh ang nerbyos. Malamang nagulat siya na wala akong alam sa nangyayari sa buhay ng boyfriend ko.
"Ano.. Ayu. Kasi baka nag-iisip pa rin siya kung tutuloy o hindi."
Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya, "I guess hindi ako kasama sa plano niya."
"Hindi. Alam mong kasama ka sa lahat ng plano niya."
"Sa lahat? Kaya pala hindi ko 'to alam. Sige, sa kwarto muna ko."
Una, nag-away kami dahil sa puny*tang pagseselos niya sa lalaking hindi ko kilala. Pangalawa, nalaman kong aalis pala siya papuntang ibang bansa. Pangatlo, nalaman kong alam ng iba pero ako walang alam.
Nakakainis. Sobrang nakakainis.
Pagpasok ko ng kwarto hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Nakakabobo. Wala akong kaalam alam. Para pala akong tanga na walang alam sa nangyayari sa kanya.
Ako ang madalas niyang kasama pero hindi niya nagawang sabihin sa akin ang tungkol doon. Wala ba siyang pakialam sa nararamdaman ko?
Niyakap ko ang tuhod ko at ipinatong ang ulo ko saka yumuko. Nakakatawa nalang. I feel so stupid.
Tumunog ang phone ko at pagtingin ko sa screen, pangalan ni Ken ang nakita ko.
I rejected the call thinking na wala ako sa mood kausapin siya. Nagpalamon ako sa inis at sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya. It was on his 15th call when I decided to answer the phone.
"Ayu. Galit ka pa ba? Sorry -- "
"Meet me sa coffee shop malapit sasubsivision namin."
"Susunduin kita -- "
"Marunong ako pumunta dun mag-isa. Bye." Alam ko naman na kaya didiretsyuhin ko na siya.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa pagkikitaan namin. Hindi pa ako nakakapasok ay nakikita ko na siya. Nakatalikod at tila hindi mapakali.
Nagtuloy tuloy ako at umupo sa tapat niya. "May gusto ka bang kai --"
“Wala akong gana.”
“Kahit konti lang?”
"Kailan?"
Napahinto at nagtaka siya sa tanong ko. “Anong kailan?”
“Come on, Ken. ‘Wag na tayong maglokohan dito. Kailan pa?”
“Ano bang sinasabi --“
“Dammit, Ken! ‘Wag ka ng magtangatangahan. Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko.”
Sumeryoso ang mukha niya at tiningnan ako ng diretsyo.
“Kanino mo nalaman?”
“Hindi na mahalaga kung kanino. May balak ka bang sabihin man lang sa akin ‘to?”
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Ficção AdolescenteTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)