Zoe’s POV
Ever since nung naging pag-uusap namin ni Ice sa No Name, hindi na kami nagkita ulit. Hindi na kami nagkausap. Hindi na siya ulit sumasama sa amin. Tinext ko siya pero hindi niya ako nirereplyan. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hindi na rin ako magtataka kung malaman ko na nagpalit na ulit siya ng number.
Para na akong desperada kakahabol sa kanya. Nakakapagod na rin talaga. Gusto kong mainis kasi umasa ako e. Akala ko unti-unti na siyang nagiging okay. Akala ko may pag-asa na ulit madugtungan ‘yung lovestory namin pero sa isang iglap lang bigla na naman siyang nag-iba.
Iniisip ko kung ano pa ba ang kulang? Hinabol ko siya. Binigyan ko siya ng time mag-isa. Lumayo ako. Nung lumayo naman ako bigla siyang lumapit. Tinanggap ko ulit siya. Tapos ngayon lalayo na naman siya. At ang nakakainis pa, hindi ko alam ang rason niya. Ginawa ko naman lahat ng gusto niya. Ano pa ba?
Pinunasan ko ang luhang tumulo at saka huminga ng malalim, “Last chance, Zoe. Kung hindi maganda ang kalabasan nito, give up na.” bulong ko sa sarili ko at saka nag-doorbell.
“Ate Zoe? Nadalaw ka?” tanong ni Ash nang mapapasok na niya ako.
“Nasaan ang kuya mo?”
“In his room. Speaking of Kuya Ice. He’s acting really weird lately. I wonder why.”
“Pwedeng pakisabi sa kanya kung pwede kaming mag-usap?”
Napansin ni Ash na may something kaya agad siyang sumunod. Pinaupo muna niya ako saka tumakbo paakyat para tawagin si Ice. Habang hinihintay ko sila, iniisip ko na kung ano nga ba ang mga gusto kong sabihin. Inipon ko na lahat ng sakit kaya lang hindi ko alam kung kaya ko bang ilabas ‘to kapag nakaharap ko na si Ice.
“Ate Zoe, hindi niya ako pinansin e.”
“Okay lang kung puntahan ko siya?” tumango si Ash kaya agad naman akong nagpunta sa kwarto ni Ice.
Nakaupo siya sa sahig at naglalaro siya sa xbox niya nang abutan ko. Nakatalikod siya sa akin pero alam kong alam niyang may pumasok.
“Tell her to leave, Ash.”
“Bakit, Ice? Bakit mo ko pinapaalis?”
Napahinto siya sa paglalaro pero hindi niya pa rin ako nilingon. “I just want to talk. Pati ba naman ‘yun ipagkakait mo pa?”
“Leave, Zoe.” he said while he’s still not facing me.
“Mukha na akong desperada kakahabol sa ‘yo. I love you, Ice. I love you so much at nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo. Naiintindihan ko.. nawalan ka ng memorya. Hindi mo ako maalala. Nahihirapan ka pero nahihirapan din naman ako. Hindi lang ikaw ang naliligaw dito Ice. Pakiramdam ko nawawala na rin ako.”
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mukha ko, “Ano bang problema Ice? Pagod na pagod na akong intindihin ka. Binigyan kita ng oras sa sarili mo. Lumayo ako sa ‘yo. Nang makalayo na ako at unti unti ng nasasanay na wala ka sa tabi ko bigla ka na lang babalik tapos lalapit lapit ulit sa akin. Bakit mo pa ginawa ‘yun kung sa bandang huli gusto mo lang din naman palang layuan kita? If you have no intention of loving me, please don’t set my hopes high. Ang hirap mo ng intindihan, Ice. Hindi mo rin naman ako pwedeng sisihin na ganito ang nararamdaman ko. You made me feel somehow special kaya umasa ako na pwede pa. Trinato mo akong iba sa kanila.”
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Novela JuvenilTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)