Ayu's POV
Maybe he's tired. Kawawa naman si Ken. He must be studying so hard. Baka mamaya mangayayat siya dun.
Tiningnan ko ulit ang phone ko at nakitang may missed calls galing kay Zoe, Ice, Sab at Yannie. Siguro kanina pa nila ako tinatawag. Pero kung kailan si Ken ang tumatawag saka ko lang narinig na nagriring ang phone ko? Instincts na lang siguro.
Nag-ring ulit ang phone ko pero si Josh naman yung tumatawag. Tiningnan ko muna si Ram pero mukhang tuwang tuwa siya sa nakikita niyang view mula sa taas kaya sinagot ko na ang call.
"Kasama mo 'yung kaibigan ni Tom?"
Seriously? Ayun agad ang ibubungad niya sa akin? At paano niya nalaman?
"Nakita ko kayo kanina pasakay ng ferris wheel." Wow. Mind reader lang? "Pagbaba mo, uuwi na tayo. Kasama na namin sila Sa -- Ice. Ikaw na lang. Bye."
Grabe. Init ng ulo ng taong 'yun. At in fairness naman nagpapakakuya na ba siya sa akin ngayon? After all this time ngayon lang? Nakakapanibago.
"Your friend?" He asked and I nodded.
"Friend slash step-brother."
Naging tahimik ulit ang paligid, but I am loving the silence. Nakakarelax. Sumandal ako at ipinikit ang mata. Dadamhin ko na 'to dahil pagkatapos nitong foundation week, paniguradong babawian kami ng mga prof.
Nang buksan ko ang mata ko, sinalubong 'yun ng titig ni Ram. Crap! Is he staring at me the whole time? Naconscious ako dahil hindi ako sanay ng may tumititig sa akin kaya ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Particularly sa mga nasa ibaba namin.
"Ganda ng view, ano?"
"Maganda." Napatingin ulit ako sa kanya at tulad kanina, ganoon pa rin siya. Nakatitig.
"Uhh, pagbaba natin dito, pupuntahan ko na friends ko. Hinahanap na nila ako."
"Sure." Still staring.
Iniwas ko ulit ang tingin ko pero ramdam ko pa rin ang nakakalokong titig niya. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya ng nakakunot ang noo at salubong ang kilay.
"Quit staring. That's annoying."
Natawa siya at napailing saka tiningnan ulit ang view, "I can't help it. You're pretty. Nailang ka naman."
"Of course! Who wouldn't?! Kahit sinong babae ang titigan ng kahit sino maiilang at mabwibwisit."
"Maiilang, oo. Pero mabwibwisit? Nah. Kinikilig pa nga sila."
Why is he so full of himself? Yes may itsyura siya. Gwapo na, sige! Pero hindi naman lahat ng babae kikiligin lang dahil sa titig. Lalo naman ako. Duh.
"Kinikilig ka ba?" Mapangloko niyang tanong.
Inirapan ko siya, "Asa ka pa. Eww lang naman. Hindi ko naman sinasabing pangit ka kaya lang I can't see myself na kinikilig sa ibang lalaki bukod kay Ken. He's my happiness."
Umakto siya na parang nasusuka, "Don't go all mushy. Gross."
"I can't wait to see you so whipped." Mapanghamon kong sagot kaya inirapan lang niya ako.
Nang makababa na kami ng ferris wheel, nag-aya siyang ihahatid ako kung nasaan ang barkada pero tinanggihan ko siya.
"Why?"
"Ayoko lang."
"Fine. I'll go ahead. I had a great time. Bye!" Nakapamulsa siya at tinaas ang isang kamay saka tumalikod at umalis.
Patalikod na rin sana ako pero tinawag niya na naman ako. "I hope we'll do this again next time."
Itinaas ko ang kamay ko at nag thumbs up. Nakatalikod man ako, alam kong gets na niya yun.
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Genç KurguTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)