Battle 51

977K 20.8K 3.4K
                                    

Xander's POV

"Hindi mo tinanong?!"

Napatakip ako sa tenga ko ng sigawan ako ni Zoe. Nahawa na sa ka-OA-an ni Sab. Pwede namang malumanay na lang magsalita.

"Kakasabi ko lang 'di ba. Wala. Akong. Tinanong."

Siguro ilang beses ko na inuulit-ulit sa kanya ang mga salitang 'yun. Hindi ko alam kung bakit mas slow sa akin ngayon ang babaeng 'to.

"Saka bakit ka nga ba nandito?"

Inabutan ko na lang siya sa bahay nila Ice. Pagkapapasok sa akin ni manang, nakita ko na lang si Zoe na kumportableng nakaupo sa sala. Wala namang kasama.

"Binibisita ko sila Ash." 

"Ash daw. Nasaan na ba si Ice?"

"Ewan."

Posible bang hindi niya alam 'yun? Asa!

"Pero huwag mong baguhin ang usapan. Bakit nga hindi mo tinanong?"

Pasagot pa lang ako ng magsalita ang kakababa pa lang na si Ash, "Hindi tinanong ang alin?"

"Huwag kang makisama dito. Bata ka pa." Sagot ko sa kanya.

"Push mo 'yang bata na 'yan. Tumatakbo ang oras. 3rd yr college na kayo. First year na ako. Nasaan ang bata dun?"

"Ipilit mo pa, Ash." 

"Sungit naman kasi. Nagtatanong lang."

Nagsama pa ang dalawang 'to. Kay Zoe pa nga lang nakukulitan na ako kay Ash pa kaya. At pinagsama pa sila. Astig? Hindi!

"Ganto kasi Ash. Bumalik nga si Tom di ba? Ulit. Tapos nag-usap sila ni Yannie kasi pursigido si Tom. Ngayon, tinanong ko kay Xander kung anong pinag-usapan nila. Sabi nitong lalaking 'to, hindi niya alam kasi hindi naman niya tinanong."

"What?! Hindi mo tinanong, Kuya Xander? Hindi ka ba nacurious? Paano kung may sinabi yung Tom na kung ano man para bumalik sa kanya si Ate Yannie? Paano?!"

Hindi ko na nga lang iniisip ang naging pag-uusap nung dalawa tapos ipipilit ngayon nila Ash na pag-isipin ako ng hindi maganda.

"Badtrip. Mapagtutulungan ba ako dito? Hoy bata, tawagin mo na nga kuya mo."

"Bakit?" Napalingon ako sa front door nila. Kakapasok lang ni Ice. Wala nga pala talaga kanina dito ang loko. Bakit hindi agad sinabi kanina ni manang bago ako papasukin.

Nang makalapit siya sa amin ay agad na inabot kay Zoe ang dala niya, "Nandito ka pala. Pupunta dapat ako bukas sa inyo."

"Pinapunta ako ni Ash. Ano 'to?" tanong niya at iniangat ang iniabot ni Ice.

"Chocolates."

Napakunot ng noo si Zoe at bigla na lang napangiti at yumakap kay Ice, "Thanks! You're the best."

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon