Battle 68

886K 20.6K 5.4K
                                    

Zoe’s POV

Hindi ako makatulog. Ginugulo pa rin kasi ako nung sinabi ni Ice sa akin. Tanggap ko naman na ganun ‘yung reaksyon niya kaya lang masakit pa rin. Parang sa isang iglap lang nawala na ang lahat. Pero ayos na rin siguro ‘yun kasi kahit na hindi na niya ako maalala, hindi pa rin kami naghiwalay. Sinabi niya na bahala akong gawin kung ano ang gusto ko. At gusto ko na pabalikin ang memorya niya. Kung hindi ko man magawa, gusto ko na lang na makatabi siya. Mas maayos na ‘yun dahil kahit papaano may katiting pa na pag-asa. Hindi ‘yung itutulak na lang niya ako bigla paalis sa buhay niya.

Nakatitig ako sa phone ko. Dati rati may random messages na lang na darating pero ngayon wala na. Wala na ang goodnight messages. Nakakalungkot, oo. Kasi ngayon, alam ko na hindi na ako ang huling taong laman ng utak niya bago siya matulog. Hindi tulad ko na hanggang ngayon hindi pa rin niya pinapatulog.

Napatingin ako sa orasan sa phone ko. 1 am na pero gising na gising pa rin ako at kung anu-ano na ang naiisip ko. Kapag hindi ako masaya, ayokong gising ako ng mga ganitong oras. Pumapasok kasi sa utak ko ‘yung mga bagay na ayokong isipin- ‘yung mga bagay na tinatakasan ko hanggang kaya ko. Kaya lang wala e. Wala pa rin akong kawala. Makukulong pa rin ako sa mga alaala. At kapag mas lalo kong pinipilit ang sarili kong matulog, mas lalo lang lumalala ‘yung mga senaryo sa utak ko. Pakiramdam ko tuloy konti na lang mababaliw na ako.

Umupo ako at saka huminga ng malalim. Nangangati akong i-text si Ice pero baka magalit lang siya.

Bumaba ako para uminom. Nakaupo ako sa dining at nakatitig sa baso. Nakatitig ako doon pero hindi ko pa rin siya nakikita. Ewan ko. Ang gulo.  Para lang ‘yung buhay ko. Magulo rin.

“Matapang ka, Zoe. Umiyak ka man, lalaban ka pa rin. Hindi ka pwedeng sumuko sa laban lalo na kapag ‘yung mahal mo na ‘yung pinag-uusapan.”

“Alam mo, friend, kung gusto mo ng kausap, pwede mo naman kaming katukin sa mga kwarto namin. Hindi ‘yung makikipag-usap ka sa sarili mo o kaya kakausapin mo ‘yang baso. Baka magulat ka bigla na lang sumagot ‘yan.” Biglang sulpot ni Sab na ikinagulat ko. Halos maitapon ko na ‘yung tubig sa baso. Anong oras na kaya tapos bigla bigla na lang siyang susulpot.

Kumuha siya ng tubig at tulad ng ginawa ko, umupo rin at nangalumbaba saka ako sinimulan, “Bakit hindi ka na lang magkwento sa amin kung nahihirapan at nasasaktan ka? Hindi ‘yung sosolohin mo na lang ‘yang nararamdaman mo.”

“Hindi ko alam. Siguro hindi lang ako handa pang pag-usapan ‘yung bagay na ‘yun. Kasi kapag pinag-usapan na natin, alam ko ng totoo. Mawawala na ‘yung pag-asa ko na baka sakaling joke lang ‘to o isang panaginip. Ewan ko ba kung bakit ginagawa kong tanga ang sarili ko.”

“Kasi nga mahal mo. Kaya willing kang magmukhang tanga para sa kanya. Pero huwag mo namang ipagkait sa sarili mo ang totoo. Sa halip na pinapaniwala mo ang sarili mo na posibleng joke lang ‘to.. bakit hindi mo na lang tanggapin?”

“Tanggapin na totoo ang lahat ng nangyayari?”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon