Ken’s POV
Ngayon lang ulit naging magaan ang kalooban ko sa loob ng nakalipas na isang buwan. Mahirap ang may tinatago. Para akong nabunutan ng tinik ng malaman ni Ayu ang tungkol sa pag-alis ko. Sa una, sobrang hirap. Ilang araw kaming hindi nag-usap at nagpansinan. I’ve been dying everyday. Gustong gusto ko siyang puntahan kaya lang ang sabi nila bigyan ko siya ng space, kaya ayun ang ginawa ko. I gave her what I thought she needs.
Sa space naman na binigay ko, naayos namin ang gusot namin.
“You should message me everyday. Mag-skype tayo every night. Send me pictures.”
Napangiti ako sa mga sinasabi niya. Nakakatuwa at tanggap na tanggap na niya ang pag-alis ko.
“Huwag ka ngang mangaral ng ganyan. Parang pinapaaga mo ang alis ko. Ilang buwan pa naman bago ako umalis.”
“Baka makalimutan mo kapag hindi ko inaraw-araw ang paalala sa’yo.”
“I won’t. Don’t worry.”
Lumapit siya ng upo sa akin at yumakap, “Natatakot ako. Matagal din ang six months. Mas matagal ang one year. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.” Inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya at isinandal ang ulo ko sa kanya saka hinaplos ang buhok niya. “Will make it through, right?”
“We will.” Paninigurado ko.
Sa totoo lang maski ako natatakot sa pwedeng mangyari kapag umalis ako. Pwedeng makalimutan niya ako. Pwedeng mapagod siya sa paghihintay sa akin. Pwedeng makakita siya ng iba, ‘yung malapit lang at hindi ‘yung makakausap lang niya sa Skype, Facebook o kahit na anong networking sites. Pwedeng ipagpalit niya ako. Mahirap ang long distance relationship. Dalawa lang naman ang pwedeng mangyari kapag nalayo ako sa kanya: mamimiss niya ako, o kaya makakalimutan niya ako. Both thought scares me.
Dahil sa ako ang aalis, mas malaki ang itinataya ko dito. Pwedeng sa pag-balik ko, wala na pala akong babalikan. But I trust her. Naniniwala ako sa aming dalawa. We’ll make it through. Distance won’t matter. It’s our love and trust for each other will.
***
Zoe’s POV
Mula sa kusina, nakasilip ako kay Ayu at Ken na nag-uusap sa sala. Ang hirap siguro ng sitwasyon nila. Palagi silang dalawa ang magkasama tapos all of a sudden aalis na si Ken. Ang hirap baguhin ng nakasanayan.
“Are you eavesdropping on them? You’re being nosy, miss.”
Agad akong napaharap kay Ice ng magsalita siya. Busy siya sa pagkain ng niluto ko. “Uhh. Hindi kaya. Kasi –“
“Sigurado ka bang sa akin ka pa magdedeny?”
Napasibi na lang ako at umupo sa katapat niyang upuan. Nangalumbaba ako at pinanuod siyang kumain. “Dahan dahan sa pagtingin. Baka lalo kang mainlove niyan.
Yabang! Ang layo na ng Ice ko ngayon sa Ice na nakilala ko dati. He was arrogant, mean, silent and well.. tongue tied. Ngayon hindi na siya ganun. Nasasabi na niya ang mga gusto niyang sabihin. Medyo tahimik kapag ibang tao ang kaharap pero maingay kapag kami kami na lang. It’s funny how time can changes things.
BINABASA MO ANG
Teen Clash 2: Battle between Heart and Mind
Ficção AdolescenteTEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop Fiction.)